^

Punto Mo

Makukulong ba dahil sa utang sa credit card?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede ba akong makulong sa utang kong higit 400,000 sa credit card? Nakatanggap na kasi ako ng final demand letter mula sa isang law firm kung saan nakalagay na puwede raw akong makulong. — Mike

Dear Mike,

Wala naman talagang nakukulong dito sa Pilipinas dahil sa utang alinsunod sa Section 20, Article III ng ating 1987 Constitution kung saan nakasaad na “no person shall be imprisoned for non-payment of debt”. Gayunpaman, ang nasabing garantiya ng ating Saligang Batas ay para lamang sa mismong akto ng hindi pagbabayad ng utang. Hindi na saklaw ng proteksiyon na ito ang iba pang aksyon na may kinalaman sa naging pag-utang o sa hindi pagbabayad nito.

Hindi mo nabanggit kung ano ang laman ng demand letter mo pero malamang ay nabanggit doon ang Republic Act No. 8484 na pinarurusahan ang sinumang may credit card na lumipat ng tirahan o trabaho nang hindi nagpapaalam sa credit card company, kung mayroon siyang pagkakautang na higit sa P10,000 at hindi bababa sa 90 araw nang overdue o hindi pa nababayaran. Kaya kahit wala namang makukulong dahil lamang sa utang, maari pa ring maharap sa multa at sa pagkakakulong na hindi bababa ng anim na taon at hindi hihigit ng 10 taon ang isang credit card holder kung siya ay ma-convict sa ilalim ng nabanggit na batas.

vuukle comment

CREDIT CARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with