^

Punto Mo

Manang Rose (259)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Kumuha ng tissue paper sa cabinet si Rene at ibinigay kay Rose. Pinahid ni Rose ang luha na umagos sa pisngi.

“Sorry, hindi ko napigilan. Ganito talaga ako. Masyadong emosyonal. Mababaw ang luha kapag naalala ang mga masasakit na nakaraan,’’ sabi ni Manang makaraang pahirin ang luha.

“Sorry nasaktan kita nun.’’

“Kinalimutan ko na yun.’’

“Ako ang dahilan nang lahat.’’

Hindi nagsalita si Manang. Nakatingin lang ito sa isang direksiyon.

“Kaya mo pa akong patawarin, Rose?’

Walang sagot si Rose.

“Matatahimik ang kalooban ko kung maririnig mula sa’yo na pinatatawad mo na ako. Ako ang magiging pinakamaligayang lalaki sa mundo kapag pinatawad mo. Matagal kong inasam na isang araw ay magkikita tayo at sasabihin mo sa akin na pinatatawad na ako. Kaya mo ba akong patawarin, Rose?’’

Tiningnan siya ni Rose. Matagal. Nanunuot ang tingin nito na parang ini-x-ray ang laman ng puso at isip ni Rene.

“Bakit naman hindi? Sabi ko nga sa’yo, nalimutan ko na ang lahat.’’

“Ibig mong sabihin, pinatatawad mo na ako?’’

“Oo.’’

“Puwede na akong manligaw uli sa’yo Rose?’’

“Uy hindi ko sinasabi yan ha?’’

“Pinatawad mo na ako di ba?’’

“Oo nga pero hindi ibig sabihin e puwede ka nang manligaw uli. Paano ako nakasiguro na binata ka nga? Madali lang naman na magsabi na binata. Maraming manloloko ngayon.’’

“Nagsasabi ako nang totoo, Rose. Binatang-binata pa.’’

“Gusto ko magpakita ka ng ebidensiya.’’

“Anong ebidensiya ang gusto mo?’’

“’Yung magpapatunay na binata ka at walang pananagutan.’’

“Hahanap ako ng tao para magpatunay.’’

“Sige. Gusto kong makatiyak.’’

“Kapag naiharap ko sa’yo ang magpapatunay, puwede na ako manligaw?’’

“Hindi pa. Mayroon pa akong hihingin sa’yo.’’

“Ano yun?’’

“Saka ko na lamang sasabihin. Gawin mo muna ang sinabi ko.’’

“Hindi ka pa rin nagbabago Rose. Ikaw pa rin ang babaing nakilala ko nun.”

(Itutuloy)

MANANG ROSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with