^

Punto Mo

Manang Rose (258)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Hindi ako makapaniwala na single ka pa, Rose,’’ sabi ni Rene na nakatitig kay Rose.

“Bakit hindi ka makapaniwala?’’

“Kasi, ang buong akala ko, mula nang magkalayo tayo ay nakatagpo ka na ng lalaking mamahalin. Hinanap kasi kita noon. Nagbalik ako sa dating school na pinagturuan natin pero nagbitiw ka na raw. Hinanap kita sa inyo pero wala ka na roon. Nagtanung-tanong ako pero walang makapagsabi kung nasaan ka. Hanggang sa ipalagay ko na nag-asawa ka na—mayroon ka nang pamilya. Kung anu-ano pa ang aking ginawa. Nag-try akong hanapin ka sa FB pero wala. Naisip ko rin na baka nasa ibang bansa ka. Kaya hindi na ako umasa na magkikita pa tayo.’’

“Bakit mo naman ako hina­hanap? Ano ang balak mo?’’

“Hindi kiya malimutan.’’

Hindi nagsalita si Rose.

“Ikaw pa rin ang nasa puso ko.’’

Napatiungo si Rose.

“Wala kang kapalit—wala kang katulad.’’

May dalawang butil na luha na umagos sa pisngi ni Rose.

“Lagi kitang iniisip. Hindi ka mawala sa isipan ko.’’

Tuluyang umiyak si Rose.

(Itutuloy)

ROSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with