^

Punto Mo

Opisina ni Sec. Abalos, ginagamit sa raket!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Flash Report: Humigit-kumulang 250,000 na noche Buena items ang ipinamahagi ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr., sa bawa’t kabahayan sa 27 barangays ng lungsod noong Biyernes bilang bahagi ng kanyang taunang Pamaskong Handog. Kabilang sa nakiisa sa malawakang pamimigay ng pamaskong regalo ni Mayor Abalos ay sina Vice Mayor Menchie Abalos, ang mga konsehal sa kani-kanilang mga distrito, kasama ang mga kapitan ng barangay, gayundin sina Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Congressman Boyet Gonzales at Congressman JC Abalos.

Sinabi ni Mayor Abalos na ang layunin ng Pamaskong Handog ay magdulot ng kasiyahan sa bawat pamilyang Mandaleño at para mas maramdaman nila ang diwa ng Pasko. Si Abalos mismo ang nagpasimula ng tradisyon ng pagbibigay ng grocery items sa mga residente tuwing panahon ng Pasko nang siya ay unang naglingkod bilang mayor ng lungsod noong 1987.

Pasko na kaya’t kung anu-anong raket na naman ang magsusulputan. Alerto naman ang mga tauhan ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. at ang minalas ay si Edison Montealto, 27, na natimbog ng pulisya sa Pangasinan matapos magpanggap na taga-opisina ni Interior Secretary Benhur Abalos para lansihin ang mga pulitiko sa kanyang naisipang raket.

Naaresto si Montealto, na gumagamit ng alyas na Larry Abalos, matapos tanggapin ang P60,000 boodle money kay SSgt. Reiland Banasihan, ng OIS-DILG. Hehehe! Magpapasko si Montealto sa kulungan. Mismooooo!

Naalarma si Col. Yang, ang aide-de-camp ni Abalos matapos makatanggap
ng report galing sa mga gobernador at mayor sa Eastern Visayas na may kalalakihan na ginagamit ang pangalan ng kanyang amo para humirit ng pitsa sa kanila.

Ayon sa caller, ang pitsa ay gagamitin bilang gastusin sa pagpamigay ng rice subsidy sa sakop ng mga pulitiko. Nagpakilala ang caller na si Larry Abalos, ang chief of staff ni Abalos. Sinabi pa ng mga pulitiko, na kaboses ni Abalos ang mga tumatawag sa kanila. Araguuyyyyy! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sa utos ni Col. Yang, nagpanggap si Banasihan na personal assistant ng governor, at kinontak ang caller. Inutusan ng caller si Banasihan na magpadala ng P60,000 sa Gcash para mapabilis ang pagpamudmod ng ayudang bigas. Dahil lampas sa P50,000 transaction ng Gcash ang kantidad, napagkasunduan na personal na ideliber ang pitsa. Nakipag-coordinate kaagad si Maj. Andres Daquial, ng OIS-DILG kay Col. Jeff Fanged, provincial director ng Pangasinan para sa entrapment operation at natimbog si Montealto sa Bgy. Baay, Lingayen.

Nakuha kay Montealto ang mga ebidensiya tulad ng Android fone, keypad ng cellular fone, at boddle money, ayon kay Lt. Col.  Vicente Castor Jr., Lingayen police chief. Swak sa banga si Montealto, no mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sasampahan ng kasong syndicated estafa by means of deceit, paglabag ng Cybercrime prevention act at spoofing sa ilalim ng SIM Registration Act si Montealto, ani Col. Castor. Dipugaaaaa. Ambot sa kanding nga may bangs! Abangan!

BENJAMIN ABALOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with