^

Punto Mo

Psychology tricks

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Para antukin habang nakahiga, huwag kang gagalaw at magbilang hanggang 300.

• Kung hindi makatingin nang diretso sa iyo ang kausap,  kaakit-akit ka kasi sa kanyang paningin.

• Kung nagising sa hatinggabi na nagugutom ka, mag-imadyin na kakakain mo lang.

• Mas magiging friendly ang mga tao sa iyo kung amoy mabango ka. ‘Yung sakto lang ang pabango na inisprey mo sa iyo. Mayroong bango na nakakasulasok sa ilong.

• Alinman sa dalawa ang dapat mong gawin upang magmukha kang “powerful”: Lumakad na parang ikaw ang hari o maglakad na wala kang pakialam kung sino ang hari.

• Paraan upang tumigil ang kausap mo sa pagkukuwento ng kayabangan, titigan mo ang kanyang noo upang ma-conscious at kabahan.

• Kung nararamdaman mong kasinungalingan ang sinasabi ng iyong kausap, titigan siya nang direkta sa kanyang mata nang hindi ka nagsasalita.

• Kung gusto mong ma-guilty ang isang tao na may ginawang hindi mo nagustuhan, pagkatapos niyang magpaliwanag ay ganito ang isagot mo, “Ano pa ang magagawa ko? Nangyari na ang lahat.” Sabay layas sa harapan niya.

• Kung hindi ka inimbita, balewalain mo iyon at huwag ipahalata na nasaktan ka. Lalong magdidiwang sa tuwa ang host na hindi nang-imbita dahil nagtagumpay siya na nasaktan niya ang ego mo.

• Kung may kaibigan kang palaaway, di tumatanggap ng pangaral, makapal ang mukha, hindi kumikilala ng personal boundary: Ang pinakamainam mong gawin ay tahimik kang ­lumayo sa kanya. I-block mo siya sa lahat ng iyong social media accounts. Hayaan mo siyang maloka sa pag-iisip kung bakit hindi ka na makontak. Maganda itong gawin kung naninirahan kayo sa magkaibang lugar. Mas mabuti na tahimik siyang i-ghost kaysa nagkapalitan ng masasamang salita kayo bago nagkahiwalay.

vuukle comment

PSYCHOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with