^

Punto Mo

Natitimbrehan ni Kapitan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayong papalapit na ang holiday season, asahan na rin ang matinding trapik sa mga lansangan.

Lalo pa nga at magsasabay-sabay ang mga sale sa mga mall, na ‘yan ang dapat na mapaghandaan ng mga kinauukulan.

Sa panig ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nasa 70 miyembro ng kanilang ‘Strike Force’ ang ikakalat upang mas mapabilis ang clearing operations sa mga pangunahing lansangan kabilang na ang Mabuhay Lanes na inilaang alternatibong daan.

Ang strike force ay mga motorcycle rider nilang tauhan na may kasama nang tow truck na magpapabilis sa paglilinis sa mga lansangan sa mga sagabal.

At para umano mabantayan sa pang-aabuso sa hulihan nakasuot ng mga body-worm cameras ang mga tauhan strike force.

Tama lang ito para dokumentado ang mga pangyayari sa lansangan. Sana nga lang eh hindi naka-off ang mga camera para maidetalye mula umpisa hanggang sa matapos ang operasyon.

Kadalasan kasing reklamo ng mga nahuhuli umabuso ang mga nagsagawa ng operasyon, may ilan pa na nagsusumbong na sila ay kinokotongan.

Maigi na ang may ebidensyang kuha para malaman kung sino abuso o may pagkakamali sakaling umiral ang iringan.

May mga pagkakataon naman, na talagang abuso ang ilang may-ari ng sasakyan.

Alam na nilang nakakasagabal ang kanilang pagparada sa kalsada, tila walang pakialam. Kapag nahila ang sasakyan sila pa ang galit.

Marami ang ganyan.

Yung walang sariling parking at ang inari na paradahan eh kalsada sa tapat ng kanyang bahay.

Marami po yan,na dapat din namang madisiplina.

Eto pa, kadalasang kapag mag-ooperate ang mga awtoridad laban sa ilegal parking bago pa man nalilinis na ang daan at kapag umalis na ang nag-operate andyan at nagbabalikan na naman.

Alam ba ninyo kung bakit?

Aba’y pasaway din ang ilang opisyal sa barangay. Kasi nga raw kailangan kapag nag-clearing operation sa kanilang lugar dapat na makipag-coordinate muna sa kanila.

Ayun natitimbrihan ang mga pasaway na constituents na pansamantalang mawawala. Pag-alis ng operatiba balik uli sila sa pagiging sagabal.

Siguro kailangan dito sorpresang operation para madala ang mga tunay na pasaway.

HOLIDAY SEASON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with