^

Punto Mo

Mga inakalang imposibleng imbensiyon

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NARITO ang mga imbensiyon na binara at nilait kasabay ang mga “statements” ng mga taong hindi naniwala na magtatagumpay ito:

• • • • • •

“What? Computer sa bawat tahanan? ‘Yan ang imposibleng mangyari. Wala akong makitang dahilan para bumili ng computer ang mga tao para gamitin sa bahay,” sabi ni Ken Olson, founder ng Digital Equipment Corporation (DEC) noong 1977.

• • • • • •

“Walang rocket na makaaalis sa Earth’s athmosphere,” nilathala ng New York Times noong 1936.

• • • • • •

“Kalokohang paliparin ang isang makinang mas mabigat pa sa hangin!” sabi ni Simon Newcomb, astronomer at mathematician. Ngunit pagkaraan ng 18 buwan mula nang bitawan niya ang mga salitang ito, pinalipad ng Wright Brothers ang Kitty Hawk, ang first powered aircraft.

• • • • • •

“Heavier-than-air flying machines are impossible,” sabi ni Lord Kelvin, British mathematician at physicist, president ng British Royal Society noong 1895.

• • • • • •

“Sandali lang mauuso ang pelikula dahil ito ay ‘canned drama’. Parang pagkaing de lata na nakapreserba. Sandali lang ‘yan na kahuhumalingan ng mga tao at muli silang babalik sa panonood ng stage acting. Ang kagandahan sa teatro,  nakikita nila nang personal ang mga artista na umaarte,” sabi ni Charlie Chaplin noong 1916.

 

INVENTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with