^

Punto Mo

Rehistradong SIM na gamit ng mga scammers

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kaya naman pala kahit na umiiral ang SIM Card Regis­tration Law, marami pa rin ang nagaganap na text scam na ito ay dahil sa mga registered SIM na ang kanilang gamit na binibili nila sa mga nagparehistrong indibiduwal.

Nabatid na sangkaterba pala ang nagbebenta ng kanilang rehistradong SIM na nagagamit sa panloloko ng mga sindikato.

Ang masaklap dito hindi alam ng mga nagbenta na kapag nagkabuliyasuhan o nagkabukuhan sa mga modus, sabit sila sa kaso kasi nga sa kanila rehistrado ang SIM.

Marami sa kasalukuyan ang kumakagat sa ganitong mga bentahan, malaki ang offer ng grupo ng scammers, bukod pa sa binibili ito sa malaking halaga, may pangako pang buwan-buwan na matatanggap magamit lang nila ang rehistradong SIM.

Hindi nga ba’t kaya binuo ang batas sa SIM Registration ay para matuldukan ang lumalaganap na text scam na nakapanloloko sa marami nating kababayan.

Sa ilalim ng SIM Registration Law, lahat ng SIM na hindi nairehistro matapos nga ang itinakdang deadline ay hindi na gagana.

Kung bibili ka ngayon ng bagong SIM, awtomatikong bago ito ibigay sa iyo ay irerehistro sa pangalan ng bumili kasama ang larawan.

Kaya nga walang kawala kung gamitin ito sa scam, madaling matutunton ang nagmamay-ari.

Pero wait ika nga, mukhang may nakikitang butas sa pagpapatupad nito sa ilang telcos na hindi nababantayan nang husto.

Hindi nga ba’t may nakakapag-rehistro lalu na sa online na nagiging matagumpay sa kabila na nagsusumite ng kakaibang mga larawan, tulad na lang larawan ng unggoy.

Dito talaga babangon pa ang isang problema, nakalusot nga na mairehistro pero hindi naman kayang matunton dahil sa mga maling impormasyon.

Kamakailan lamang sa isinagawag operasyon ng NBI, daang libong rehistradong SIM ang nasabat sa isang sinalakay na’spammming hub’ sa Binondo sa Maynila na siyang ginagamit sa panloloko.

Yan ang dapat na matutukan ng mga kinauukulan kung nais nilang mas maging matagumpay ang batas na ito sa SIM registration na kung hindi eh baka mabalewala lamang.

SIM CARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with