^

Punto Mo

Lalaki sa Spain, inaresto nang magpanggap na inaatake sa puso para hindi pagbayarin sa kinainang restaurant!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang lalaki sa Spain ang inaresto matapos mabisto na 20 beses na itong nagpapanggap na inaatake sa puso para makaiwas sa pagbabayad sa mga kinainang restaurant!

Ang lalaki na hindi pina­ngalanan ay 50-anyos na ­Lithuanian national na napaulat na nakapang-scam sa mahigit 20 restaurants sa Costa Blanca region sa timog-silangang bahagi ng Spain sa pamamagitan ng pagpapanggap na inaatake sa puso.

Ayon sa police report, ang modus ng suspek ay oorder ito ng pagkain at alak at kapag oras na ng pagbabayad ng kanyang bill ay gagawa ito ng eksena na tila masakit ang kanyang dibdib at hahandusay sa sahig para magkunwaring siya ay inaatake sa puso.

Mahigit isang dosenang restaurants ang nalinlang ng suspek ngunit hindi nakalusot ang panloloko niya sa manager ng El Buen Comer, isang restaurant na kilala sa seafood paella sa siyudad ng Alicante.

Noong isang buwan, umorder ng seafood paella at drinks ang suspek sa nasabing restaurant at nang sinisingil na siya ng bill na nagkakahalaga ng 34.85 euros, nagpanggap muli ito na inaatake sa puso. Ngunit imbis na tumawag ng ambulansiya ang manager, kinunan siya nito ng litrato habang nakahandusay sa sahig at isinumbong sa pulis. Pagdating ng mga pulis, agad siyang inaresto ng mga ito.

Ipinakalat ng may-ari ng El Buen Comer ang litrato ng lalaki sa iba pang restaurant owners. Dahil dito, napag-alaman na nagsimula pa noong Nobyembre 2022 ang panloloko ng suspek. Ilang beses na rin siyang hinuli ngunit isang gabi lang nakukulong dahil hindi naman kalakihan ang restaurant bill na kanyang tinatakbuhan.

Sa kasalukuyan, nagbabalak ang lahat ng restaurants na kanyang na-scam na magsampa ng joint complaint at posibleng makulong ang suspek ng dalawang taon.

vuukle comment

SPAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with