^

Punto Mo

Maid of Honor (116)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKARATING sina Honor at Inah sa bahay. Gawa sa kawayan ang dingding at kugon ang bubong ng bahay.

“’Yan ang bahay namin Kuya?’’

“Parang walang tao, Inah?’’

“Tulog pa sila, Kuya.’’

Tumawag si Inah.

“Itay! Inay!’’

Walang kumikilos sa bahay.

Inulit ni Inah ang tawag sa ama at ina.

Maya-maya may liwanag silang nakita sa loob ng bahay.

“Sino yan?’’ tanong ng nasa loob. Boses lalaki.

“Ako po Itay, si Inah.’’

Pagkasabi ni Inah ay agad bumukas ang pinto at lumabas ang kanyang itay.

“Itay!” sabi ni Inah sabay akyat sa hagdan.

“Inah, ikaw nga,’’ sabi ng kanyang ama.

Niyakap ni Inah ang ama. Umiyak.

“Si Inay po?’’

“Nasa loob. Maysakit.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with