^

Punto Mo

Wisdom

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa
  • Ang mga taong may tiwala sa sarili ay mapagkumbaba at tinatrato niya ang iba nang may respeto at walang diskri­minasyon.
  • Ang pagkakaiba ng mayaman sa nagyayaman-yamanan. Ang totoong mayayaman ay hindi ipinagyayabang ang anumang mayroon sila. Samantalang kung nagyayaman-yamanan, kapag nagkaroon ng bagong gamit, siguradong post agad ito sa social media.
  • Ang mga taong malakas ang boses na parang laging nakasigaw kapag nagsasalita ay walang tiwala sa kanilang sarili. Parang kalderong walang laman, maingay kapag kinalantog.
  • Ang taong palangiti kahit sa mga taong hindi niya kakilala ay walang pakialam sa mga panghuhusga  sa kanya.
  • Ang responsableng lider ay pinananagutan niya ang pagkakamaling nagawa ng grupo.
  • Ang totoong matalino ay ‘yung pinakahuling nagsasalita dahil inuuna niyang makinig sa opinyon ng ibang tao.
  • Ang hari at alipin ay pareho lang ng responsibilidad: maglingkod sa ibang tao. Kaya kung anuman ang posisyon mo sa buhay, gawin mo nang buong husay ang iyong trabaho.
  • Magiging mentally strong ka kung:

1. Titigilan ang self pity.

2. Huwag matakot sa mga pagbabago.

3. Tigilan ang pagiging people pleaser.

4. Huwag matakot sa kabiguan.

5. Kalimutan na ang pangit na nakaraan.

6. Iwasang maging paulit-ulit ang pagkakamaling nagawa na para bang walang kadala-dala.

7. Iwasang maging tsismosa at mapaghusga dahil nagsisilbi iyang “junk food” sa utak.

RESPETO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with