Tips na paminsan-minsan mo lang naririnig
1. Para tumagal ang buhay ng mga bulaklak: dinikdik na aspirin ang ihalo sa tubig kung ang bulaklak mo ay chrysanthemums, carnations, gladiola at roses. Isa o higit pang kurot na asin naman ang ihalo sa tubig kung daffodil. At isang patak na suka naman kung dahlia.
2. Sa mga gumagamit ng washing machine na may dryer. Kapag umuulan at sa loob lang ng bahay isasampay ang mga damit, haluan ng suka ang tubig na ipambabanlaw sa damit upang maiwasan ang nakakayamot na amoy kulob. Kapag natuyo, hindi maaamoy ang suka. Kung automatic ang inyong washing machine, ang suka ay ilagay sa lagayan ng fabric conditioner. No need to use fabric conditioner. Sapat na ang suka. Madi-disinfect pa ang inyong washing machine. One-fourth or one half cup ng suka ang gamitin depende sa dami ng damit per load.
3. Ang best botox ay laging ngumiti at iwasang sumimangot.
4. Kung naubusan ng cologne or perfume, kumuha ng vanilla flavor sa iyong kusina. Ipahid ito sa buong kamay. Ipahid ang kamay na amoy vanilla sa wrist.
5. Para tumagal ang manicure, pahiran muna ng acetone ang kuko bago aplayan ng cutex. Kailangang tanggalin ng acetone ang excess oil sa kuko para kumapit na mabuti ang cutex.
6. Huwag bunutin ang puting buhok dahil kapag tumubo ito, puti pa rin ang kulay nito.
7. Tanggalin ang tutong sa kaldero: Lagyan ng tubig at asin. Pakuluan ng 15 minutes.
8. Kapag nagluluto ng dinuguan, dagdagan ito ng tomato paste upang lalong sumarap. Kalahating kutsara or higit pa per kilo ng baboy.
9. Matatanggal ang kati ng kagat ng insekto kung tatapalan mo ito ng isang hiwang patatas. Lagyan ng tape para hindi malaglag.
10. Hugasan ng bleach solution ang sponge na panghugas ng pinggan para ma-disinfect ito.
- Latest