^

Punto Mo

EDITORYAL - Siksikan na naman sa classrooms

Pang-masa
EDITORYAL - Siksikan na naman sa classrooms

PROBLEMA uli ang kakulangan ng classrooms sa public schools. Balik muli sa lumang problema na hindi masolusyunan ng pamahalaan. Matagal na ang problemang ito pero kahit minsan, hindi nagkaroon ng school opening na walang reklamo sa kakapusan ng silid aralan. Dahil kapos, nagsiksikan sa classroom na parang sardinas.

Ang mga walang magamit na classroom, napipilitang magklase sa ilalim ng punong mangga at mayroon sa lobby ng school. Ang pinakagrabe, mayroong nagdaraos ng klase sa comfort room. Nilinis ang kubeta at doon nagklase ang mga estudyante. Wala nang ibang pagpipilian. Sa Mulanay, Quezon, noong nakaraang taon, nagklase sa sabungan ang mga estudyante dahil sa kakulangan ng classroom. Pero bukod sa kakulangan ng classroom, lumutang din ang kakulangan ng mesa at mga silya na gagamitin ng mga estudyante.

Sa isang public school sa Rodriguez, Rizal, nag-ambag-ambag ng pera ang mga magulang ng mga estudyante para may maibili ng plastic na silya at mesa na gagamitin ng kanilang mga anak. Ayon sa president ng Parents-Teacher Association ng San Jose Elementary School, may mga magulang na hindi muna bumili ng kanilang maintenance na gamot para lang may maiambag at nang makabili ng plastic na silya at mesa.

Siksikan din ang mga estudyante sa nasabing public school kung saan ang bawat room ay 80 bata ang pinagkakasya. Isa rin sa problema sa eskuwelahan ay ang mga dispalinghadong comfort room na walang lumalabas na tubig sa gripo.

Problema rin ang kakapusan ng classrooms sa Batasan Hills National High School kung saan, 54 na classrooms ang kinakailangan dahil sa pagdagsa ng enrollees. Ayon sa principal ng nasabing public school, lumobo ang mga nag-enroll sa 18,300. Noong nakaraang taon, 17,900 lang umano ang kanilang enrollees.

Lumalala ang problema sapagkat bukod sa classrooms, kulang din pala ang mga upuan at mesa. Sa nangyayaring ito paano maisasaayos ang pag-aaral ng mga bata kung hindi maayos ang pasilidad ng public schools. Maraming batang Pilipino ang napag-iiwanan sa maraming larangan. Sa isang surbey, may mga bata na hindi marunong bumasa at sumulat gayung nasa tamang gulang na.

Ang kakulangan sa pasilidad at pagsisiksikan sa classrooms ay isa sa mga dahilan kaya hindi makapagpokus ang mga bata sa aralin. Sa halip na gastusin sa kung saan ang confidential and intelligence funds ng DepEd, ipagpagawa ito ng mga classroom, silya, mesa at magpagawa rin ng comfort rooms na may suplay ng tubig.

CLASSROOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with