^

Punto Mo

Doktor sa Australia, nakakuha ng bulate sa utak ng pasyente!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG neurosurgeon sa Canberra, Australia ang nakakuha ng buhay na bulate sa utak ng kanyang pasyente!

Isang pambihirang medical case ang nalathala sa latest edition ng medical journal na Emerging Infectious Diseases. Mababasa rito ang tungkol sa isang 64-anyos na pasyenteng babae na nakuhanan ng bulate na may sukat na tatlong pulgada.

Nagsasagawa ng biopsy ang surgeon na si Dr. Hari Priya Bandi nang makuha niya ang bulate sa utak ng pasyente. Ang natagpuang bulate ay isang Australian native roundworm na hindi pangkaraniwang natatagpuan sa katawan ng tao. Ang mga ito ay parasite na dapat ay natatagpuan lamang sa mga hayop tulad ng mga ahas na carpet python.

Bago matagpuan ang bulate sa utak ng pasyente, isang taon ng nakararanas ito ng pagiging makakalimutin at depression. Bukod dito, madalas ding makaranas ng abdominal pain, diarrhea, dry cough at pagpapawis sa gabi.

Nirekomenda ng mga doktor na sumailalim ang pasyente sa brain biopsy matapos makitaan ng umbok sa frontal part ng utak nito. Ang buong akala ni Dr. Bandi, tumor o abscess ang matatagpuan niya sa utak nito ngunit hindi nito akalain na buhay na bulate pala ang kanyang makukuha. Pagkatapos ng surgery, pinauwi na ang pasyente at niresetahan ito ng antiparasitic drugs.

Ayon sa article, napag-alaman na nakatira ang pasyente malapit sa isang lugar kung saan mara­ming carpet python. Madalas din itong mamitas ng gulay sa lugar kung saan namamahay ang mga ahas. Habang wala siyang direct contact sa mga carpet python, posibleng nakuha niya ang mga bulate sa mga gulay na kanyang napitas.

Sa kasalukuyan, maayos na ang kalagayan ng pasyente at nawala na ang mga sintomas na dati niyang nararanasan.

 

WORM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with