Real Estate agent sa Iran, inaresto nang magbenta ng apartment sa aso!
INARESTO ng mga awtoridad sa Iran ang isang realtor at pinasara ang kanyang real estate business matapos itong masangkot sa isang real estate deal kung saan naging tagapagmay-ari ng apartment ang isang aso.
Naging kontrobersiyal ang isang real estate deal sa Iran matapos kumalat sa mga social media websites ang video ng bentahan ng apartment kung saan isang aso ang bagong may-ari nito.
Mapapanood sa naturang viral video ang mag-asawang Iranian na pinamamana sa kanilang alagang aso na si Chester ang kanilang apartment. Makikita rin sa video na ginamit ang paw o paa ni Chester na may ink para itatak sa papeles bilang “pirma” nito.
Maraming detalye tungkol dito ang hindi malinaw pero kinumpirma ng isang Iranian news agency na legitimate ang real estate deal at nakapangalan na kay Chester ang apartment.
Dahil dito, naglabas ng court order ang mga awtoridad na arestuhin at ipasara ang business ng realtor.
Sa panayam kay Iranian deputy prosecutor general na si Reza Tabar, ang pagbebenta at pagpapamana ng ari-arian sa isang aso ay walang legal basis at pag-violate sa moral values ng mga Iranian.
- Latest