^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagkontrol sa TB paigtingin ng DOH

Pang-masa
EDITORYAL - Pagkontrol sa TB paigtingin ng DOH

TUWING Agosto 19 taun-taon, ginunita ang National Tuberculosis Day kasabay sa pagdiriwang ng kaarawan ni dating Philippine President Manuel M. Quezon. Si Quezon ay isa sa mga naging biktima ng tuberculosis noong pinamumunuan niya ang Philippine government-in-exile sa United States. Namatay siya noong Agosto 1, 1944.

Ang pagkamatay ni Quezon sa tuberculosis ay nagbunga para paigtingin pang lalo ng pamahalaan ang paglaban sa nakamamatay na sakit. Bago pa ang pagkamatay ni Quezon sa TB, naitatag na sa Pilipinas ang Philippine Tuberculosis Society (PTS) noong Hulyo 29, 1910 na ang layunin ay makontrol ang pagkalat ng TB. Itinayo ang isang ospital noong 1938 na tinawag na Santol Tuberculosis Sanitarium, kung saan dito ginagamot ang mga may TB. Makaraang mamatay si Quezon, pinalitan ng pangalan ang ospital at tinawag na Quezon Institute (QI).

Pagkalipas nang maraming taon at sa kabila na may mga makabagong gamot at bakuna laban sa TB, nananatili pa ring banta sa buhay ng mga Pilipino ang sakit na ito. Sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang TB ay ika-10 sa mga sakit na ikinamamatay ng mga Pilipino. Sa report ng Department of Health (DOH) mula Enero hanggang Nobyembre 2022, naitala ang 119,558 na kaso ng TB sa bansa.

Sa Global Tuberculosis Report ng World Health Organization (WHO) noong Oktubre 2021, tinatayang 741,000 Pilipino ang may TB subalit 500,000 pasyente lamang ang nakapagpapagamot.

Ang TB ay nagmula sa bacteria na tinatawag na Mycobaterium at naipapasa sa hangin sa pamamagitan ng pag-ubo at paghatsing ng taong infected. Maaa­pektuhan ang baga at maaari ring kumalat sa iba pang organs gaya ng utak, kidneys at gulugod.

Ang TB ay karaniwang nananalasa sa mga mahihirap na bansa kabilang ang Pilipinas. Nang italaga ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. si Health Sec. Teodoro Herbosa noong Hunyo, ipinag-utos niya rito ang pagkontrol at paggamot sa TB.

Nararapat paigtingin ng DOH ang kampanya laban sa TB para lubusang mapigil ang hawahan. Maraming may TB pero dahil sa kahirapan ng buhay, hindi na sila nakapagpapagamot at hinihintay na lamang ang kamatayan. Kung ang COVID-19 ay naiwasan dahil sa pag-iingat at paggamot, magagawa rin ito sa TB.

TUBERCULOSIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with