50 payo mula sa 87-anyos na lolo
• Kung makikipagkamay, gawin itong mahigpit.
• Tumingin sa mata ng kausap.
• Kumanta habang naliligo.
• Bumili ng stereo na maganda ang tunog.
• Kung makikipagsuntukan ka, siguraduhing malakas ito at ikaw ang mauunang sumuntok.
• Itago ang lihim na ipinagtapat sa iyo hanggang sa hukay.
• Huwag sumuko. May milagrong nangyayari araw-araw.
• Tanggapin mo ang sinumang gustong kaibiganin ka.
• Magpakita ng tapang kahit pinepeke mo lang ito. Walang makakapagsabi ng pagkakaiba ng totoong matapang at nagtatapang-tapangan lang.
• Sumipol.
• Iwasang maging sarcastic sa pananalita.
• Piliing mabuti ang pakakasalan mo.
• Kapag tutulong ka, huwag mo itong ipagkakalat.
• Ipahiram lang ang iyong libro na hindi importante sa iyo.
• Hayaan mong mangarap ang isang tao. Huwag mo itong kokontrahin. Baka iyon na lang ang pinanghahawakan niya.
• Kapag nakikipaglaro sa mga bata, sadyain mong magpatalo. Dadalhin nila ang kanilang panalo hanggang paglaki.
• Magbigay ng second chance pero huwag ang third chance.
• Maging romantic.
• Maging pinakapositibong tao at masigasig sa lahat ng bagay.
• Mag-relaks paminsan-minsan maliban lang kung life and death ang sitwasyon.
• Huwag hayaang abalahin at putulin ng tawag ng telepono ang “important moments” mo. Ang telepono ay para sa convenience mo at hindi sa caller mo.
• Maging mabuting talunan.
• Maging mapagkumbaba sa oras ng panalo.
• Mag-isip ng dalawang beses bago mo ipagtapat sa isang kaibigan ang iyong sikreto. Alalahanin mo, may kaibigan din siya na hindi mo kaibigan.
• Kapag niyakap ka ng isang kaibigan, hayaan mong siya ang unang bumitaw. (May karugtong)
- Latest