^

Punto Mo

Misis, iniwan ang kanyang asawa para sa ka-chat niyang ‘artista’ na scammer pala!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG ginang sa U.S. ang napabalitang diniborsiyo ang kanyang mister at gumastos nang ma­laking pera para sa ka-chat niya online na nagpanggap na artista sa Hollywood!

Sa isang YouTube show na pinamagatang Catfished, inilahad ni ­McKayla, isang misis mula sa Kentucky na na-scam siya ng mahigit $10,000 ng kanyang ka-chat na nagpakilalang Hollywood actor na si Dacre ­Montgomery.

Ayon kay McKayla, nasa isang toxic na relationship siya noon sa kanyang mister nang mag-register siya sa isang online forum para sa mga film enthusiasts. Sumali siya sa naturang forum dahil pangarap niya ang maging film director  at nagbabakasakali siya na makahanap ng makaka-collaborate sa paggawa ng pelikula.

Isang araw, nakatanggap ng message si McKayla mula sa isang member ng forum na may username na “DK MH”. Nagpakilala ito na siya si Dacre Montgomery, isang Hollywood actor na nakilala sa kanyang pagganap bilang “Billy” sa TV series na Stranger Things. Fan si McKayla ng naturang TV series pero hindi agad siya naniwala na ito si Montgomery.

Pero sa kanilang pakikipag-chat sa isa’t isa, unti-unti siyang napaniwala at napaibig nito. Nang nakuha na ng scammer ang loob ni McKayla, kinumbinsi siya nito na hiwalayan na niya ang kanyang asawa at magsama na silang dalawa.

Agad sumunod si McKayla at nakipag-divorce sa kanyang mister. Sumunod na hiningi nito ay pera na nagkakaha­laga ng $10,000. Pagkatapos ipadala ang pera, hindi na ito nagparamdam at nawala na parang bula.

Ayon sa producer ng Catfished, isang kaso ito ng “romance scam” kung saan gumagawa ng fake profile ang isang scammer para makipagrelasyon online at kapag napaibig na nila ang biktima ay hihingan nila ito ng pera sa pamamagitan ng gift cards at cryptocurrency. Sa kasalukuyan, hindi na sinubukang habulin ni McKayla ang scammer at tinuring na lang niya ito bilang aral na huwag agad magtitiwala sa mga nakakausap sa internet.

vuukle comment

SCAMMER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with