^

Punto Mo

Verbal abuse sa ­empleyado, maaring ­ituring na illegal dismissal

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Lagi po akong minumura ng boss ko. Napipilitan na po akong mag-resign dahil hindi ko na kaya ang pagpapahiya sa akin pero makakapagreklamo pa ba ako kung ako na po mismo ang kusang umalis?—Anne

Dear Anne,

Ayon sa kaso ng Bartolome v. Toyota Quezon Avenue, Inc., et al. (G.R. No. 254465, 03 April 2024) na dinesisyunan ng Korte Suprema kamakailan lang, matatawag na constructive dismissal ang verbal abuse o anumang gawain ng employer na nagdudulot ng napakahirap na kondisyon sa trabaho upang mapilitan ang empleyado na mag-resign.

Masasabing may constructive dismissal kung mapilitang magbitiw sa trabaho ang isang rasonableng indibidwal dahil sa  hindi kaaya-ayang sitwasyon sa trabaho na kagagawan ng employer.

Iyon nga lang, dapat ay may malinaw na ebidensiya ang empleyado na siya ay napilitan lamang na magbitiw sa trabaho. Sa kaso ng Panasonic v. Peckson (G.R. No. 206316, March 20, 2019), kinatigan ng Korte Suprema ang employer matapos itong ireklamo ng dati nitong empleyado ng constructive dismissal. Sa nasabing kaso ay hindi kakikitaan ng muhi o galit ang mga resignation letters ng empleyado. Ang mga kilos niya rin matapos niyang magresign, katulad ng pagbibigay niya ng iba’t ibang dahilan sa kanyang pagbibitiw nang siya ay tanungin sa kanyang exit interview, ay nagpapakita na hindi talaga siya napilitang umalis sa trabaho.

Kaya kung magsasampa ka ng reklamo para sa constructive dismissal, siguraduhin na may sapat kang pruweba para mapatunayan na napilitan ka lamang mag-resign dahil sa pagmumura ng iyong employer. Pinakainam kung may ebidensiyang nagpapakita ng panggigipit na dinanas ng empleyado, katulad ng natatanggap mong verbal abuse, para malinaw na hindi boluntaryo ang iyong magiging resignation.

VERBAL ABUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with