^

Punto Mo

Probationary period, puwede ba i-extend?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede po bang ma-extend ang probationary period? Sinabihan po kasi ako ng management na patatagalin na lang daw ang probationary period ko para makapasa ako sa evaluation.— Mar

 

Dear Mar,

Hanggang anim na buwan lang ang dapat itagal ng probationary period ng isang bagong empleyado ngunit ayon sa desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Mariwasa Manufacturing, Inc. vs. Leogardo (G.R. No. 74246, 26 January 1989), maaring i-extend ang probationary employment kung ito ay para ma­bigyan ng karagdagang pagkakataon ang empleyado na  maipakita ang kanyang kakayahan upang mapataas niya ang posibilidad na siya ay maregular sa trabaho.

Ang extension na ito ay ibinibigay bunsod lamang ng kagandahang loob ng employer kaya hindi ito maaring maging basehan ng reklamo  kung sakaling hindi pa rin siya makapasa sa evaluation matapos ang extended period.

Kailangan lang na “in good faith” ang extension at ito ay para talaga sa layuning makapasa sa evaluation ang employee kaya inextend ang kanyang ­probationary period.

Kung inextend ang probationary period kahit pa pasado na naman sa evaluation ang empleyado at ito isinagawa lamang para siya ay hindi tuluyang maregular sa trabaho ay maaring maharap sa reklamo ang employer kung mapatutunayan ito.

DEAR ATTORNEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with