^

Punto Mo

VAW desk, itatayo ni Abalos sa ­barangays!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Sa mga lalaking mahilig mambugbog o manakit at mang-abuso ng kanilang asawa o anak, kuwidaw kayo! Tutuldukan na ni Interior Secretary Benhur Abalos ang masama ninyong bisyo.

Iniutos kasi ni Abalos sa lahat ng barangay sa Pinas na magtayo ng kani-kanilang violence against women (VAW) desks para tulungan ang mga kababaihan at kabataan na biktima ng sexual violence. Ang hakbangin na ito ni Abalos ay tiyak magreresulta sa pagbawas nang mala­king kaso ng pananakit at pang-abuso sa kababaihan at kabataan, di ba mga kosa? Hehehe! Mas madaling magreklamo sa barangay dahil kilala nila ang lahat ng constitutents nila. Tumpak!

May punto naman si Abalos dahil sa ilalim ng Section 9 ng Republic Act 9710 o Magna Carta of Women at Section 12 ng implementing rules and regulations ay binigyan nito ng mandato ang mga barangay na magtayo ng VAW. Ito ay para asistihan ang mga biktima ng VAW, magresponde sa gender-based violence cases na inilapit sa barangay. Siyempre kasama na rito ang pag-adres ng mga abuso sa hanay ng kababaihan. Mismooooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Dahil sa batas na ito, naglabas si Abalos ng Memorandum Circular 2023-104 na nag-uutos sa provincial, city at municipal local government units na magbigay ng kaukulang technical at financial assistance sa barangays para i-implement ang VAW.

Kasama sa trabaho ng VAW ay ang pag-develop at pagpalaganap ng information ­materials para itaas ang public awareness sa VAW, lalo na ang pagreport ng insidente. Nakasaad din na dapat mag-provide sila ng recognition at incentive sa barangays na may exemplary performance sa pag-adres ng gender-based violence issues. Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ayon kay Abalos nararapat lang sa village chairpersons na mag-enact o mag-update ng ordinansa na naglalayon na magbigay suporta para sa pagpatayo at pag-sustain ng operations ng VAW desks. Trabaho rin niya ang mag-designate ng barangay VAW desk officer na nag-training sa gender-sensitive cases. Dapat ang VAW officer ay babaeng miyembro ng Sangguniang Barangay o babaing barangay tanod. Hmmmm! Ambot sa kanding nga may bangs!

Hindi lang ‘yan! Sinabi pa ni Abalos na dapat ang VAW desk officer ay nakatira malapit sa barangay hall o sa bahay ng barangay chairman at may sapat na resources para mag-assist sa victim-survivors. Kasama rito ang equipment, at supplies para mabilis makapag-document ng kaso at ma preserve ang mga ebidensiya, communication equipment, first aid kits at iba pa. Mismooooo!

Kaya mga kosa kong astig o lasenggero, respetuhin ang mga kababaihan para hindi sumabit at madala sa VAW desks kung saan may peligro na makulong. Ano pa nga ba?

Abangan!

BISYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with