Psychology facts
• Ang tumatatak sa ating memorya ay 90 percent ng ating ginawa; 50 percent ng ating nakita at 10 percent ng ating narinig.
• Ayon sa research, may dalawang klase ng orgasm ang mga babae: vaginal at clitorial.
• Ayon sa survey, nakakaranas ng pinakamasayang sandali ang mga tao tuwing 7:26 p.m. ng Sabado.
• Sa pamamagitan ng halik ay nalalaman natin kung sino ang totoo nating minamahal. Malaking factor din ang pakikipaghalikan upang manatiling in love ang magkarelasyon.
• Kung natatandaan mo nang malinaw ang iyong napanaginipan, hindi lang iyon panaginip kundi may nakapaloob na mensahe.
• Kung ang friendship ay tumagal ng higit sa pitong taon, indikasyon na habang buhay ang inyong pagkakaibigan.
• Kung ang isang babae ay mas lalong nag-bloom ang personalidad pagkatapos ng break-up, malinaw na ang lalaki ang problema sa relasyon.
• Ayon sa psychology, ang “nicest people” ay madalas na napagkakamalang masungit sa unang pagkikilala.
• Ang sabi ng mga magulang, mahuhulaan daw nila kung ang anak ay may karelasyon kapag ngumingiti habang nakatingin sa cellphone.
• Hindi matanggal sa iyong isipan ang isang tao, dahil laman ka rin ng isipan niya.
• Mabilis magalit ang isang tao kapag kulang na siya sa tulog, ay kulang pa rin siya sa kain.
- Latest