Dapat na bang buwagin ang PCGG?
ITINATAG ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) noong 1986 para samsamin ang mga diumano’y ill-gotten wealth ng mga Marcos.
Libo ang nawalan ng trabaho dahil sa sequestrations ng PCGG sa mga malalaking hotel, resorts at mga kompanyang pag-aari ng cronies ng mga Marcos.
Sa pagsisiyasat ng PCGG, napatunayan na marami sa mga na-sequester nila ay walang kinalaman ang mga Marcos. Malinis ang mga dokumento nang pag-aari nila.
Pananagutan kaya ng PCGG ang mga danyos na nalikha nila? Malabo yata!
Dapat liwanagin ng PCGG kung sinu-sino ang nakabili, magkano at saan napunta ang pinagbilhan ng sequestered properties.
May nabigyan kaya ng komisyon? Mabibisto na kayo!
May mga anomalya rin nang pangingikil sa mga operational sequestered corporations ang PCGG na nabisto noong 2008. Hindi pa nasiyahan sa P146 million annual budget ang mga kumag.
Di ba si Gloria Macapagal-Arroyo ang presidente noon?
Mula 1986 hanggang sa kasalukuyan, 16 ang naging PCGG chairmen. Ngayon lamang lumilitaw ang katotohanan.
Weder-weder lang talaga.
- Latest