^

Punto Mo

Wala na bang warranty kapag ‘as-is, where-is’ ang bentahan?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Wala na bang aasahang warranty kung “as-is, where is?” basis ang bentahan? Sabi kasi ng seller ay “on an as-is, where-is basis” niya ipagbebenta ang plano kong bilhin na sasakyan mula sa kanya. —John

Dear John,

Madalas na ginagamit ang mga “as-is, where-is” na kasunduan sa mga bentahan ng mga second hand na kagamitan katulad ng sa sitwasyon mo. Kung ang bentahan ay “as-is, where-is”, walang obligasyon ang seller sa mga depektong maaring lumitaw lamang matapos ang bentahan.

Ibig sabihin, binibili ng buyer ang bagay na ibinebenta na “as-is,” o kung ano man ang kasalukuyan nitong kondisyon, kabilang na ang mga maaring depekto nito, kung mayroon man. Pinapayagan ng batas ang ganitong stipulasyon, basta’t malinaw na nagkasundo ang buyer at seller ukol dito.

Sa mga ganyang pagkakataon na “as-is, where-is” ibinebenta ang isang bagay, obligasyon ng buyer na katulad mo na suriing mabuti ang iyong binibili dahil kung sakaling may depektong lumitaw matapos ang bentahan, wala ka ng habol sa seller.

Hindi naman ibig sabihin nito ay lubos ng walang aasahang warranty ang buyer. Ayon sa Korte Suprema sa Joseph Harry Walter Poole-Blunden v. Union Bank of the Philippines (G.R. No. 205838, 29 November 2017), hindi maaring makaiwas sa res­ponsibilidad ang seller para sa mga nakatagong depekto sa bagay na kan­yang ipinagbili kung alam niya ang tungkol sa mga ito.

Ayon din  sa  kaso ng Hian v. Court of Tax Appeals, ang “as-is, where-is” ay patungkol lamang sa mga pisikal na kalagayan ng bagay na binibili. Hindi kasama rito ang legal na sitwasyon ng bagay (halimbawa na lang kung nakaw ito) at iba pang mga kata­ngian nito na tanging mga eksperto lamang ang makakatukoy matapos ng masusing pagsusuri.

vuukle comment

SELLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with