^

Punto Mo

Political alliances, magwawakas na?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

BASAG ang diskarte ng mga malasadong kaalyado ni BBM sa pakikipagkasundo nito sa U.S. na madagdagan pa ang mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites. Sino kaya ang insecure?

Ayon sa mga malisyoso, hindi lamang seguridad ng bansa laban sa China ang mapangangalagaan ng EDCA. Puwede ring maging kalasag ito ni BBM kung may magtangkang ikudeta siya. Tama ba mga ‘tol? Ayos!

Kontra sina Sen. Imee Marcos at VP Sara Duterte na papasukin sa bansa ang 50,000 Afghan refugees. Baka raw mahaluan ng terorista at mapahamak ang bansa. Para ano pa’t pinalawak ang EDCA?

Kontra rin si ex-Pres. Digong Duterte sa gagawin ni BBM. Malamang daw na pagsimulan ng hiwalayan ng BBM-Sara teamwork ang Afghan refugees. Magkakasundo na ba ang mag-ama ngayon? Wheee ‘di ngaa!

May mga alingasngas noon na malamang na nahaluan din ng espiya ng China ang libong POGO worker/operators pero wala namang maliwanag na resulta ang imbestigasyon. Pinagkakitaan pa nga ng Immigration officials sa pamamagitan ng “pastillas scam” ang mga Chinese  POGO workers.

Mas nakakatakot ang iginagalaw nang maruming pulitika kaysa sa banta ng mga terorista. Mahilig kasi sa “pesoful” negotiations ang karamihan sa kanila. Sa totoo lang!

vuukle comment

EDCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with