^

Punto Mo

Ang ritwal ng magkakabaong

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

PAGGAWA at pagbebenta ng kabaong ang negosyo nina Patring at Binoy. Sila lamang ang may ganoong negosyo sa kanilang bayan.  May isa silang anak, si Leo. Sapat na ang kinikita ng kanilang funeral parlor upang makapag-aral ng medisina si Leo.

Nasa second year Medicine proper si Leo nang matuto itong umibig sa kapitbahay nilang si Eva na anak ng magtitinda ng daing sa palengke. Ang beauty ni Eva ay kagaya ng beauty ni Anne Curtis kaya hindi kataka-taka na mahaling sa kanya si Leo. Naging magnobyo ang dalawa at nang maglaon ay nagkabuntisan.

Napilitang magtapat  si Leo sa mga magulang tungkol sa kanila ni Eva. Kagaya ng dapat asahan, nagalit ang mag-asawang Patring at Binoy at pinalayas ang anak. Nanirahan sina Eva at Leo sa ibang bayan. Isang taon na silang nagsasama nang dapuan si Leo ng sakit sa baga. Nanatili ito sa ospital ng isang linggo.

Samantala, nagpatuloy ang buhay ng mag-asawang Patring at Binoy. Wala silang kaalam-alam sa nangyayari sa kanilang anak. Kapag mahina ang benta ng kabaong, may sekretong ritwal si Patring para lumakas ang benta. Isa-isa niyang kakatukin nang malakas ang nakadispley na kabaong habang bumubulong siya ng “Mabili ka na sana!” Tapos sa madaling araw ay kailangan niyang kumatok nang walang sound sa pintuan ng isang bahay na sa akala niya ay may naghihingalo at naghihintay na lang ng oras. Ang resulta ay malakas na negosyo kinabukasan o sa mga susunod na araw.

Ang alam ni Patring, nagpasundo na ng pari ang kanilang kapitbahay na matanda—ang lola ng kanyang hilaw na manugang na si Eva. Kapag pari na ang nakitang pumunta sa isang maysakit, senyales iyon na mahina na ang matanda at mabilis na siyang mamamaalam sa mundo. Ang pintuan nina Eva ang kanyang kakatukin sa madaling araw.

Pagsapit ng madaling araw, kinatok niya ang pintuan ng bahay ng pamilya ni Eva. Kinabukasan, maagang-maaga pa ay nasa harapan na ng funeral parlor ang tiyahin ni Eva, umiiyak.

“Patring…si…”

“Ang nanay mo? Balita ko ay…”

“Hindi, buhay pa si Nanay. Ang anak mo, si Leo, narito siya sa aming bahay. Dinala rito kagabi ni Eva. Pupuntahan ka sana pero natakot, baka murahin mo lang daw siya.”

“O…bakit daw umuwi…may nangyari ba?” halos kumawala ang puso ni Patring sa sobrang nerbiyos.

“Ang anak mo, patay na! Akala namin ay magaling pagkaraang maospital ng isang linggo pero hindi na siya nagising…”

Hinimatay si Patring. Kay Leo tumalab ang ginawa niyang ritwal. Ang lola ni Eva ay biglang lumakas. Si Leo ang sumalo ng kamalasang dulot ng ritwal ni Patring.

 

vuukle comment

COFFIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with