^

Punto Mo

Bodybuilder na 6 footer, gumastos ng $100,000 para madagdagan ang height

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 33-anyos na bodybuilder ang gumastos ng $100,000 (katumbas ng P5.5 milyon) para madagdagan ng 7 inches ang kanyang height!

Kuntento naman dati si Brian Sanchez sa kanyang pangangatawan. Ang height niya ay 6 feet. Pero dahil sa kanyang bodybuilding hobby, lumapad ang kanyang katawan at hindi na naging proportion ang kanyang height sa kanyang mga naglalakihang muscles. Bumaba ang confidence niya sa kanyang hitsura at pinag-isipan niyang itigil na ang bodybuilding.

Nang mabalitaan ni Sanchez ang tungkol sa nauusong procedure na “leg-lengthening surgery”, nag-research siya online tungkol dito at nakatagpo siya ng isang clinic sa Turkey na ito ang specialty procedure. Nang nakaipon na ng sapat na pera si Sanchez para sa kanyang operasyon, lumipad siya patungong Istanbul para magpatangkad.

Isang kumplikado at delikadong procedure ang leg-lengthening surgery. Upang mapahaba ang binti, sisirain ng surgeon ang tibia at fibula, ang dalawa sa pinakamahabang buto sa lower leg. Aalisin ang bone marrow sa tibia para lagyan ito ng bakal na tinatawag na “needle”.

Dalawang buwan na naka-wheelchair si Sanchez pagkatapos ng procedure. Pagsapit ng February 2023, nadagdagan na ang height niya ng 3.5 inches. Upang madagdagan pa ito ng 3.5 inches, sumailalim muli siya sa operasyon pero sa buto na femur naman isinagawa ang procedure.

Ayon kay Sanchez, wala siyang nadamang sakit habang nasa mismong operasyon pero nakaranas siya ng insomnia habang nasa recovery stage dahil hindi komportable ang mga bakal na inilagay sa kanyang binti. Ngayong 6’7 na ang tangkad niya, masasabi niya na sulit ang kanyang binayad at naranasang paghihirap.

vuukle comment

HEIGHT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with