^

Punto Mo

Aso na may pinakamahabang dila sa mundo, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang aso sa Lousiana, U.S. ang nakapagtala ng bagong world record title dahil sa pambirihang haba ng dila nito!

Sinertipikahan kamakailan ng Guinness organization ang Labrador/German shepherd mix na si Zoey bilang pinakabagong world record holder ng titulong “Longest Tongue on a Living Dog”.

Isang beterinaryo ang sumukat ng dila ni Zoey at kinumpirma nito na may haba itong five inches.

Upang madetermina na pasok sa Guinness, ang paraan ng pagsukat nito ay dapat magsimula ang ruler sa dulo ng ilong hanggang sa dulo ng dila.

Ayon sa mga amo nito na sina Sadie at Drew, anim na buwang tuta pa lamang noon si Zoey nang mapansin nila na masyadong mahaba ang dila nito para sa isang tuta.

Akala nila, magiging normal ang haba nito sa paglipas ng panahon pero lalo itong humaba habang lumalaki ang aso.

Dahil sa kakaibang katangian ni Zoey, kinatutuwaan at sikat siya sa mga tao sa kanilang neighborhood.

vuukle comment

ZOEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with