^

Punto Mo

EDITORYAL - May silbi pa ba ang PDEG?

Pang-masa
EDITORYAL - May silbi pa ba ang PDEG?

NALUBOG sa kontrobersiya ang Philippine National Police (PNP) dahil sa pagkakasangkot ng mga opisyal at miyembro ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG). Nakaladkad ang PNP dahil sa 990 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon. Hanggang ngayon, hindi pa malaman kung paano nagkaroon ng ganun karaming shabu si MSgt. Rodolfo Mayo na nakaimbak sa WPD Lending office nito sa Abad Santos, Tondo, Manila.

Nagkaroon ng imbestigasyon sina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa pero nabigo siyang pigain ang mga pulis PDEG na sangkot sa “cover-up” nang nakumpiskang shabu kay Mayo at isa pang pulis. Nagmakaawa at lumuhod pa si Bato sa mga pulis para aminin kung saan galing ang shabu at sino ang malalaking tao sa likod nito pero nabigo ang senador. Nang walang mapiga, tinapos na ang imbestigasyon. At siguro, tapos na ang isyu sa 990 kilos ng shabu. Nakalabas na rin sa jail ng Senado ang mga pulis na “nagtatakipan”.

Si PNP chief Gen. Benjamin Acorda ang nagmana sa mga problemang iniwan ni dating PNP chief Gen. Rodolfo Azurin kabilang na ang nakumpiskang shabu. At ang unang pinangako ni Acorda ay ang internal clean­sing sa PNP. Aminado siya na talagang nadungisan ang PNP sa ginawa ng mga pulis na nakatalaga sa PDEG. Nagbanta pa siya sa mga pulis na gumagawa nang masama lalo ang mga masasangkot sa illegal drugs. Mapaparusahan umano ang mga mapapatunayan.

Subalit paano kaya ang gagawing paglilinis ng PNP chief kung ang grupo na nagbigay ng kahihiyan sa organisasyon ay hindi naman bubuwagin o lalansagin. Kung ang nagdulot ng kontrobersiya ay mananatili pa rin, masasabi pang nagsagawa ng internal cleansing?

Malaking kahihiyan ang ginawa ng PDEG subalit walang balak si Acorda na buwagin ito. Mananatili pa rin umano ang PDEG. Sabi ni Acorda, sa halip na buwagin ang PDEG, magkakaroon na lamang daw nang mahigpit at istriktong proseso sa mga itatalagang narcotic policemen sa nasabing enforcement group. Hindi raw problema ang anti-drug unit kundi ang mga personnel. Kaya magsasagawa umano ng monitoring at background investigation sa police officers para masiguro na hindi maliligaw ng landas ang mga ito. Ayon sa report, 117 PDEG personnel na ang sinibak sa puwesto. Sabi ni PDEG director Brig. Gen. Faro Olaguera, natutuwa siya sa desisyon ni General Acorda na hindi na bubuwagin ang PDEG.

Makabangon pa kaya ang PNP sa ginawa ng PDEG? Maibalik pa kaya ang tiwala sa mga opisyal at tauhan nito na sa halip sila ang lumipol sa mga salot ng lipunan ay sila pa pala ang inaakusahang kumakalong? May silbi pa ba ang PDEG?

PDEG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with