^

Punto Mo

Parusa sa mga ­ sangkot sa child exploitation, sexual abuse online ­pabigatin

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

DAPAT talagang matututukan nang husto, dahil nagiging talamak na ang paggamit sa mga bata o mga menor-de edad ng sindikato ng human trafficking at online sexual abuse.

Nakakalungkot ding isipin na kadalasan pa nga sa nadadakip na mga suspect o sangkot sa ganitong ilegal na aktibidades eh mismong kaanak pa ng mga biktimang paslit, lalong masakit kung magulang pa nga nila.

Kadalasang  idinadahilan ng mga nadadakip  eh ang kahirapan sa buhay o baka naman nahirati na sila at nasilaw sa malaki nilang kinikita?

Kasi nga kadalasang pinagpapasahan na binebentahan pa ng mga malalaswang video gamit ang mga bata, eh mga dayuhan.

Hindi nga ba’t sa ilang operasyon, eh galing pa sa ibang bansa ang impormasyon na natatanggap ng mga awtoridad sa Pinas, tungkol sa sangkot sa ganitong gawain.

Malalaswang video ang nasamsam ng ilan, kaya nakipagkoordinasyon sila sa counterpart nila sa bansa.

Kapag ikinasa ang operasyon, doon nga natutuklasan na mismong kanilang kaanak ang gumagamit sa mga biktimang paslit para pagkakitaan sa malaswang pamamaraan.

Sa Taguig City, kamakailan lamang nasagip ang nasa 12 minors na biktima nang sindikatong sangkot sa human traffcking at online sexual abuse.

Sa tatlong magkakahiwalay na operasyon, sa isang insidente magkapatid pa ang biktima, kung saan ang kanilang ina mismo ang siyang promotor sa paggamit sa kanyang mga anak.

Noong nakaraang taon, nagdeklara ang Pinas ng matinding giyera laban sa online child sexual exploitation.

May ulat na ang bansa ay nangangungunang pinagmumulan ng child exploitation at sexual abuse online.

Aminado ang Department of Justice (DOJ) na may matinding pangangailangang sugpuin ang ganitong uri ng krimen na ang nagiging biktima ay mga kabataan.

Sa kabila ng matinding pagsisikip, patuloy pa ring namamayagpag ang ganitong ilegal na aktibidades, tila walang takot ang mga sumasangkot dito at ang iniisip ay ang malaking nilang kikitain.

Tukoy na rin ang ilang hotspot sa online na seksual na pang-aabuso sa mga batang Pinoy at alam ba ninyong ang Europa ang pinakamalaking mamimili ng mga online na materyal na nagsasamantala sa mga minor sa bansa.

Marahil ay dapat sigurong palakasin o pabigatin ang parusa sa mga taong masasangkot sa ganito, lalu na nga at kaanak o pamilya ng mga biktima ang promotor.

CHILD EXPLOITATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with