^

Punto Mo

Mag-asawang turistang Chinese sa Korea, nagsayang ng tubig, kuryente at gas sa inupahang Airbnb bilang paghihiganti!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

VIRAL sa Korean netizens ang kuwento ng mag-asawang turista mula mainland China na nagsa­yang ng tubig, gas at kur­yente sa inupahan nilang Air Bed and Breakfast (Airbnb) sa Seoul, South Korea!

Sa social media post ng isang hindi nagpakilalang Airbnb owner, ikinuwento nito ang bangungot na naranasan niya sa mag-asawang turista na ginantihan siya sa pamamagitan ng pag-iwan sa kanya ng libu-libong halaga ng water, electric at gas bills.

Ayon sa nasabing social media post, nagsimula ang insidente nang makatanggap ang Airbnb owner ng 25 days na booking para sa pinauupahan niyang stand-alone villa sa Seoul. Nang dumating na ang Chinese couple sa paupahan, nadismaya ang mga ito dahil malayo sa city center ang villa.

Gustong ipa-cancel at magpa-refund ng Chinese couple dahil malayo sa tourist spots ang villa. Hindi pumayag ang Airbnb owner dahil matagal nang confirmed ang booking at lumampas na sila sa cancellation period. Hindi na nakipagtalo ang mag-asawang turista pero may binabalak na pala ang mga ito na paghihiganti.

Sa una, walang napansin na kakaiba ang Airbnb owner sa kanyang mga guests. Pero nang matapos na ang 25 days na booking ng mag-asawa, saka lamang nakatanggap ang Airbnb owner ng tawag mula sa gas company na sobrang tumaas ang kunsumo ng villa sa LPG. Bukod dito, umabot sa 120 tonnes (108,000 liters) ang kunsumo sa tubig at libu-libo ang bills na kailangang bayaran sa kuryente.

Napag-alaman ng Airbnb owner na hindi nag-stay ang mga ito sa kanyang villa at umupa sa isang hotel na malapit sa city center. Pero iniwan ng mga ito na nakabukas ang lahat ng gripo, appliances, bumbilya at heater sa villa para mag-aksaya ng tubig, gas at kuryente.

Nakabalik na sa China ang mag-asawa at wala nang paraan para mahabol ang mga ito para pagbayarin. Napilitan ang Airbnb owner na bayaran mula sa kanyang bulsa ang bills at ang tangi na lang niyang nagawa ay magbabala sa mga kapwa niya Airbnb hosts na maging maingat sa mga tatanggapin na booking.

AIRBNB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with