Traslacion ano kaya ang dalang mensahe?
MAHIGIT anim na kilometro ang nilakbay ng mga deboto ng Black Nazarene sa Quiapo na pinanood ng buong mundo. Nagpakita itong muli nang walang kapantay na bilang ng relihiyosong Katoliko sa bansa.
Taon 1586 nang itayo ng mga Franciscan Missionary priests ang makasaysayang simbahan ng Quiapo. Kasabay nito, marami pang itinayong simbahan ng mga naunang misyonaryong Katoliko Romano sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Ang Quiapo church ang pinaka-popular na destinasyon nang maraming Pilipino mula sa malalayong probinsiya para manalangin at sumama sa taunang Traslacion ng Black Nazarene.
Sa paglago ng katolisismo sa bansa, marami ang nahikayat na magtatag ng bagong relihiyon na may kani-kanilang doktrina. Hanggang sa dumating ang panahong nakikialam na rin ito sa usapin ng pulitika.
At ang sumunod ay hidwaan na sumira ng magandang samahan sa pamayanan at maging sa loob ng bawat pamilya.
Hindi kayang baguhin ng panahon ang kasaysayan bagkus ay magiging karagdagan sa istorya ang ginagalawan nating pamumuhay na tatalakayin ng susunod nating henerasyon.
Nakakahiya naman kung bulok ang sistemang ipamamana natin sa kanila.
Ginagamit na sa pulitika ang iba’t ibang sekta ng relihiyon at kalaunan ay tuwiran nang nakikilahok at nanghimasok na sa pagpapatakbo ng gobyerno.
May mga party-list group representatives na kilalang lider mismo ng kanilang simbahan.
Nakikipagsigawan sa loob ng Kongreso na mistulang mga rebeldeng samaritano na sa mata at imahinasyon ng mga malisyosong nanonood sa kanila ay pera at kapangyarihan din lang naman ang bumabalot sa mga ito.
Alien po ba? E di abante na!
Mga sikat at mayayamang pulitiko ang madalas na sinusuportahan ng mga liderato ng iba’t ibang simbahan na sa palagay nila ay mapapakinabangan.
Sana naman ay pang sambayanan. Hindi para sa kanila lang!
- Latest