^

Punto Mo

Economic managers nina FM at Noynoy magagaling!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

HINDI totoong gumaganda na ang ekonomiya natin kung ang inflationary rate ang pagbabasehan. Malayo pa sa normal ang 7.6% kahit bumaba pa ito ng 1% mula sa 8.6%. Magpapa-impress din lang naman sana ‘yung maganda talaga.

Ang normal level ng inflationary rate ay nasa pagitan ng 2.0% at 4.0%. Nagiging matatag ito kung makikiisa sa gobyerno ang mga mayayamang kapitalista na mamuhunan sa makabuluhang industriya tulad ng agrikultura, pabahay at mga stock investments.

Ang pera ng mga pulitiko na ipinamumudmod tuwing eleksyon na wala namang kapalit na produktong pangkabuhayan ang isa sa dahilan ng abnormal na galaw ng ekonomiya. Maraming pera ang tao pero sa luho at bisyo naman ginagastos at hindi sa pagpapalago sa mga makabuluhang produkto.

Ang pinaka-mababang inflationary rate na naitala sa bansa ay noong 1986 (1.15%) at 2016 (1.25%). Sumalubong ang magandang ekonomiya sa mga bagong pumalit na presidente. Kung ganoon pala ay magagaling ang mga economic managers nina namayapang Pres. Ferdinand Marcos Sr. at Noynoy Aquino?
 

vuukle comment

NINOY AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with