Tips kapag may ‘pinagdadaanan’ ka
• Maglakad. Kapag naglalakad, nagiging malinaw ang pag-iisip dahil nagbibigay ito ng ginhawa sa buong katawan.
• Mag day off sa trabaho at gawin mo habang nakabakasyon ang mga hobbies na hindi mo magawa dahil abala sa trabaho.
• Maging generous. Bigyan nang malaking tip ang mga taong nagbigay sa iyo ng magandang serbisyo: manikurista, hairdresser, waiter, etc. O, basta magbigay nang malaking limos sa pulubing madaraanan. Nakagagaan ito ng kalooban.
• Magkape at panoorin ang mga taong pumapasok sa coffee shop. Hindi mo kailangang may kausap. Minsan mas nakakatuwang mag-isa at mag-obserba ng mga tao sa paligid habang nagkakape.
• Mag-research tungkol sa mga bagay nagpapagulo ng iyong isipan. Mabilis kang makakaisip ng solusyon kung may sapat kang kaalaman.
• Mas unahin mong trabahuhin ang iyong problema. Huwag tumanggap ng extra obligation.
• Huwag magpuyat. Tumulog nang sapat: 7 to 8 hours gabi-gabi.
• Kung napapaiyak ka, huwag itong pigilin. Humagulgol ka hangga’t gusto mo. Nakakagaan ‘yan ng kalooban.
• Magsalita ka kahit walang kausap. Pero warning: huwag kang magsasalita ng negatibong bagay tungkol sa iyong sarili. Mas ligtas na kausapin ang sarili kaysa magbuhos ng sama ng loob sa ibang tao. Safe na safe ang mga sikreto mo dahil sarili lang ang kausap mo.
• Isulat mo sa iyong journal ang lahat ng sinabi mo habang kausap ang iyong sarili.
• Ipaalaala sa iyong sarili na ang buhay ay isang paglalakbay. Lahat ng bagay ay temporary lang kaya’t may katapusan ang bawat problema.
- Latest