^

Punto Mo

Text scam, bumababa!  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

HABANG patuloy ang nalalapit na deadline sa SIM registration,  kapansin-pansin din naman ang patuloy na pagbaba sa natatanggap na reklamo sa text scam.

Ayon nga kay Senator  Grace Poe, isa sa nagsulong sa SIM Registration, pagpapakita lang umano ito na ang naturang batas ay umani ng suporta sa publiko.

Gayunman, hindi umano dapat na maging kampante ang mga telcos kundi may matindi pang pangangailangan para paigtingin pa ang pagsusulong nito, lalo nga’t mahigit pa lang sa 25 porsiyento ang nakapapagrehistro na ng kanilang SIM.

Dapat umanong matiyak at matarget ang 100 percent registration para makamit ang zero text scam.

Ang SIM registration deadline ay magtatapos sa Abril 26, pero mukhang pinag-aaralan na ma-extend pa ito bagama’t wala pang pinal na pahayag ukol dito.

Nauna nang kinumpirma ang pagtumal sa bentahan ng SIM na ibig sabihin, bahagyang tumitigil ang mga scammer sa kanilang modus.

Hindi umano tulad dati na wala pa ang batas sa SIM Registration, talagang araw-araw eh malakas ang bentahan nito dahil nga sa papalit-palit ang mga scammer ng SIM sa kanilang panloloko at pambubudol para hindi sila ma-trace.

Bili- tapon ang naging sistema, kaya nga mataas ang insidente noon ng text scam.

Yan nga lang dapat pa ring maging mapagbantay, dahil laging tandaan na hindi tumitigil ang mga kawatan sa pag-isip ng mga bagong paraan para makapanlinlang sa publiko.

TEXT SCAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with