^

Punto Mo

Zoo sa U.S., panandaliang isinara nang makatakas ang Leopard sa kulungan!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PANANDALIANG isinara sa publiko ang Dallas Zoo matapos madiskubre ng mga staff na wala sa kanyang kulungan ang Clouded Leopard.

Agad ipinatawag ang mga Dallas police sa zoo para tumu­long na hanapin ang 25 pound female leopard na si Nova sa zoo na may lawak na 106 acres.

Ayon sa Facebook post ng Dallas Zoo, agad nagdeklara ng “Code Blue” sa buong zoo nang makita ng mga staff umaga ng Friday the 13th na sira ang habitat enclosure ni Nova at hindi na ito makita.

Ang ibig sabihin ng “Code Blue” ay may nakatakas na “non-dangerous” animal sa habitat nito.

Ngunit kahit code blue ang emergency, agad ipinasara ang buong zoo at hindi na tumanggap ng mga bisita.

Natagpuan si Nova ng 5:15 p.m. malapit lamang sa habitat nito at walang nakitang injury sa babaeng leopard.

Sa kasalukuyan, naglun­sad ng imbestigasyon ang Dallas Police Department upang malaman kung sinad­yang sinira ang habitat ni Nova para ito makatakas.

LEOPARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with