^

Punto Mo

Natagpuang treasure map na gawang mga sundalo ni Hitler, nagsimula ng treasure hunting trend sa Netherlands!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lumang mapa na diumano’y nagtuturo kung saan itinago ng mga Nazi soldiers ang ninakaw nilang kayamanan noong World War II ang nagpasi­mula ng treasure hunting trend ngayon sa The Netherlands.

Dinadayo ngayon ng amateur treasure hunters ang maliit na bayan ng Ommeren matapos isapubliko ng Dutch National Archive ang isang treasure map na ginawa ng mga sundalo ni Adolf Hitler.

Ayon sa Dutch National Archive, makikita sa mapa ang lugar kung saan itinago ng Nazi soldiers ang apat na malalaking kahon na may lamang diamonds, rubies, gold, silver at iba’t ibang alahas. Ang mga ito ay ninakaw ng mga sundalo ni Hitler mula sa isang banko sa Amsterdam noong Agosto 1944.

Nakuha ang mapa na ito mula sa isang Nazi soldier noong 1945 nang nakalaya na ang The Netherlands sa pananakop ng mga Nazi.

Sa panayam sa Dutch National Archive, hindi nila makumpirma kung totoong may kayamanan na matatagpuan sa mga lugar na nakasaad sa mapa. Dahil noong 1947, nabigo na ang gobyerno ng The Netherlands na mahanap ang kayamanang ito.

Kahit may paunang pasabi na ang Archive na maa­aring may nauna na noon pa sa kayamanan, dinadayo pa rin ng mga amateur treasure hunters ang Ommeren dala ang kani-kanilang metal detectors at panghukay na pala.

NETHERLANDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with