^

Punto Mo

‘Kamote’ cops ng MPD Stn 4, sisibakin ni Gen. Estomo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HAPPY birthday Roland Roxas!

• • • • • •

“Pursigido  ka bang magsampa ng reklamo?” Ito ang tanong na ibinato ni NCRPO chief Maj. Gen. Jonnel Estomo kay Ronald Garcia, na sinuntok, pinosas at ikinulong ng 10 araw ng mga “kamote” cops ng Station 4, MPD dahil lamang sa walang kuwentang kaso. Si Garcia kasi ay sinamahan ng kanyang tiyuhin na si Romie Evangelista kay Estomo noong Lunes para magsampa ng kaso laban sa “kamote” cops, dalawa dito ay sina Cpl. John Wesley Reynon at Pat. Jino Piccio.

Ipinaliwanag ni Estomo kay Garcia na wala ring mangyayari sa gagawin n’yang reklamo laban sa mga pulis kapag kinalaunan ay patatawarin lang ng huli ang mga lumabag sa karapatang pantao n’ya. Ang sagot ni Garcia? Sorry na lang sa mga “kamote” cops dahil dire-diretso na si Garcia dahil sa na-trauma siya sa nangyari. Hindi lang ‘yan! Pati mga anak ni Garcia ay tinamaan ng nerbiyos dahil sa nasaksihan. Araguuyyyyy! Hak hak hak!

Mukhang gustong makabawi ni Garcia sa kahihiyan na sinapit niya sa kamay ng mga pulis. Dipugaaaaa!

Dahil sa sagot ni Garcia, ipinatawag ni Estomo sa kanyang aide si Col. Roderico A. Roy Jr., ang hepe ng RDIDM ng NCRPO, sa quarters niya sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City para kunan ng statement si Garcia. Inutusan ni Estomo si Roy na i-expedite ang kaso at patawan ng kaukulang kaparusahan ang mga “kamote” cops kung may sapat na ebidensiya. “Hindi natin kailangan ng mga abusadong pulis sa NCRPO. Kung kailangang sibakin abay sibakin sila,” ang pangako ni Estomo sa tiyuhin ni Garcia.

Si Evangelista mga kosa ay dating presidente ng PNP Press Corps at nakadaup-palad niya si Estomo noong junior officer pa ang huli at naka-assign sa CIS, na CIDG na sa ngayon. Si Evangelista ay dating media consultant din ng DILG at PNPA Alumni Academy Association. Sa ngayon, siya ay nasa Kongreso. Dinamayan na rin s’ya sa kanyang problema ng mga kaibigan sa Camp Crame, NBI, PDEA, House of Representatives at DILG matapos malaman ng mga ito ang ginawa ng mga “kamote” cops sa kanyang pamangkin. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Para-paraan lang talaga, di ba mga kosa? Hehehe! Mukhang hindi na makukuha sa pakiusap itong magtiyuhin ah! Eh di wow!

Kasong administratibo ang ikakaso ni Roy laban sa mga operatiba ng Warrant/Intel Section ng Station 4 sa MPD na nanapak sa mukha ni Garcia matapos umayaw ito sa pagbura ng kinuha niyang video sa insidente. Ang trabaho pala ni Garcia ay videographer kaya alam niya ang gagawin. Hamakin n’yo ang mga “kamote” cops ay magsi-serve lang ng arrest warrant kuno laban sa asawa ni Garcia na si Ruth dahil sa municipal ordinance sa Makati na pagtapon ng sigarilyo sa kalye. Eh lumaki ang sunog!

Sa mga kosa kong pulis d’yan, ‘wag tularan itong mga “kamote” cops ha. Tinitiyak ko kasi na magiging malungkot ang Pasko nila, kahit natanggap na nila ang kanilang bonus. Dipugaaaaa! Hehehe! Baka pati pamilya nila ay madamay pa sa kalungkutan. Puwede, di ba mga kosa? Mismooooo! Abangan!

 

JONNEL ESTOMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with