^

Punto Mo

Galit  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NAGKAROON ng anak sa pagkadalaga si Beatriz, si Winona. Sumumpa siya sa sarili na hindi na mag-aasawa dahil sa nangyari. Ngunit nang ligawan siya ng isang binatang naging officemate niya, kinain niya ang pangakong hindi na iibig at mag-aasawa. Fifteen years old na si Winona nang magpakasal sina Obet at Beatriz. Bago magpakasal ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-ina dahil ayaw payagan ni Winona na mag-asawa ang kanyang ina. Upang ipakita ang matindi niyang pagtutol, sinadya nitong hindi dumalo ng kasal at nagkulong na lang sa kuwarto maghapon.

Akala ni Beatriz ay lilipas din ang tampo ng anak ngunit pinanindigan nito ang “silent treatment” sa ina.  Kaya hindi kataka-takang hindi ito sumamang lumipat sa bagong bahay na binili ni Obet sa Cavite. Nanatiling nakatira si Winona sa Quezon City sa piling ng mga magulang ni Beatriz. Tuwing makalawa ay binibisita ni Beatriz ang anak kahit tuluyan na itong hindi umimik sa kanya. Kapag nag-uusap silang mag-ina ay tango lang at iling ang isinasagot at ni minsan ay hindi siya kinakausap. Masakit man sa kalooban ni Beatriz ang nangyari sa kanilang mag-ina, tinanggap na niya ang ganoong sitwasyon.

Nabuntis si Beatriz at kalaunan ay nagsilang ng isang baby girl na pinangalanang Bea. Isang araw ay nilagnat ito at nagkombulsiyon. Itinakbo nila sa ospital ang bata ngunit ilang araw nang naka-confine ay hindi pa rin natatanggal ang lagnat.

Sa sobrang desperasyon ay sinundo ni Beatriz ang kakilalang spiritual healer at isinama sa ospital. Ang sabi ng healer matapos hawakan ang sanggol na si Bea: “May isang taong galit na galit sa kanya kaya siya nagkasakit. Sanggol pa at napakamura ng katawan kaya mabilis naapektuhan ng negative vibration. Kapag napagaling ko si Baby Bea ay sa taong nagagalit sa kanya lilipat ang sakit.”

Hula ni Beatriz ay si Winona ang nagagalit kay Baby Bea pero bahala na. Mas mahirap na magkasakit ang baby dahil hindi nila masasabi ang kanilang nararamdaman. Kaya nagpasya si Beatriz: “Sige gamutin mo na ang anak ko.”

Kinabukasan ay parang nagdahilan lang si Baby Bea, bumalik na agad ang sigla nito. Nagkakatuwaan sila sa ospital nang may nag-text kay Obet. Na-stroke daw ang ina nito. Malubha. Lingid kay Beatriz, galit na galit sa kanya at kay baby Bea ang kanyang biyenan dahil sila ang inunang ibili ng bahay ni Obet kaysa kanilang mga magulang. Kaya mali ang hinala ni Beatriz na si Winona ang tatanggap ng bad karma. Biyenan pala niya.

vuukle comment

COUPLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with