^

Punto Mo

Ang magnanakaw

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG 1885, may isang matandang biyuda na hindi napag­kaloobang magkaanak ang mag-isang namumuhay sa kabukiran ng Missouri. Ang tanging kayamanan na naiwan ng kanyang asawa ay ang maliit na bahay at kapirasong lupa na tinataniman­ niya ng patatas. Ito lang ang tanging pinagkakakitaan ng matanda.

Isang gabing malakas ang ulan,  may kumatok sa bahay ng matanda. Nang buksan niya ang pintuan ay isang lalaki ang bumungad sa kanya. Sa kanyang tantiya ay nasa edad 35 ito hanggang 40.

“Puwede ho bang makituloy? Nahihirapan na ang aking kabayo sa paglalakad dahil sa lakas ng ulan.” 

Ngumiti ang matanda at buong puso nitong pinatuloy ang isang tao na noon lang niya nakita. Napaawa ito sa lalaki nang makitang basang-basa ang damit nito. Ipinahiram ng matanda ang damit ng namayapang asawa at isang makapal na balabal. Nagluto ito ng sopas at ipinakain sa lalaki.

Nang inakala ng matanda na natutulog na ang lalaki ay tahimik itong nag-iyak sa isang sulok. Nakapikit lang pala ang mata ng lalaki at gising pa ito. Hindi ito nakatiis na magtanong: “Mam, bakit ka umiiyak?”

Ayaw sabihin ng matanda ang kanyang problema ngunit sa kapipilit ng lalaki ay nagtapat na rin ang matanda. “Bukas ang deadline na ibinigay ng banko para magbayad ng  utang. Pero wala pa akong pera. Sa susunod na buwan pa ang harvest ng aking mga patatas. Kukunin ng banko itong bahay at lote kapag hindi ako nakabayad.”

“Saan ka titira kung kukunin nila ang bahay mo?”

“Hindi ko alam, iho. Hindi ko alam.”

Kinabukasan, pagmulat ng mata ng matanda ay wala na ang lalaki. May iniwan itong liham at supot na tela sa ibabaw ng  mesa. Nagpapasalamat ang lalaki sa kanyang kabutihan. Sinabi nito na nag-iwan siya ng pera para ipambayad ng matanda sa banko. Ang pangalan na nakapirma sa sulat ay Jesse James.

Noon lang niya naisip na matagal silang nagkuwentuhan ng lalaki pero nakalimutan niyang itanong ang pangalan nito. Jesse James pala! Binilang niya ang pera na nasa supot...tamang-tama sa halaga na kailangan niyang ipambayad sa banko. Paano nalaman ni Jesse James samantalang di naman niya sinabi kung magkano ang utang niya.

Nang mga sandaling iyon, walang kaalam-alam ang matandang biyuda na si Jesse James ay isang pusakal na magnanakaw ng banko at sumasampa sa tren upang mangholdap. Ngunit napatay ito ng kapwa niya kriminal na miyembro ng kalabang gang noong 1882. Pero 1885 ang kasalukuyang taon, kaya kaluluwa na lang kaya ni Jesse James ang nakitulog sa bahay ng matanda?

Nakilala lang ng matanda si Jesse James nang minsang nakita niya ang picture nito sa lumang diyaryo na dala ng buyer niya ng patatas. Itinanong ng matanda sa buyer kung sino ang lalaking nasa larawan. Saka lang niya nalinawan kung sino ito. Ayon sa sabi-sabi, noong nabubuhay pa si Jesse James, nag-aala-Robinhood daw ito. Itinutulong sa mahihirap ang perang ninakaw.  

THIEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with