^

Punto Mo

Lalaki sa U.S., kayang magpalobo ng balloons gamit ang ilong!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Idaho, USA ang nakatanggap ng Guinness World Record title dahil sa kanyang kakayahan na magpalobo ng 10 balloons gamit ang kanyang ilong!

Upang i-promote ang STEM education sa mga kabataan, nakapagtala na ng 249 Guinness World Record titles ang engineer na si David Rush.

Para sa kanyang ika-250 Guinness title, sinubukan niyang makamit ang titulong “Most balloons inflated by the nose in one minute”. Noong 2017 pa sinubukan ni Rush na masungkit ang titulong ito ngunit dahil sa allergy at sipon, nabigo siyang matalo ang record holder na si Ashrita Furman na nakapagpalobo ng siyam na balloons.

Ngayong Agosto 2022, nagtagumpay si Rush na makapagpalobo ng 10 balloons gamit ang ilong sa loob ng 1 minute.

Dahil sa dami na ng mga nakamit na world record title ni Rush, tinawag na siya bilang “serial record-breaker” ng Guinness. Ilan sa mga world record titles na siya ang may hawak ay: Most consecutive axe juggling catches, Most apples thrown and caught in mouth in one minute, Most toilet paper rolls balanced on the head.

BALLOONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with