^

Punto Mo

Mayor Abalos, may malasakit sa mga e­mpleyado!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH report: May halong pulitika pala ang pagpapasara ni Malabon City Mayor Jeanie Sandoval sa sugal lupa sa kanyang siyudad. Sinabi ng mga kosa ko na sina Bokbok, Noel, Kamote, Ponga at Boy Dasma ay sumuporta kay Enzo Oreta na naungusan ni Mayor Sandoval noong May elections. Sa ngayon, gerilya ang operations ng mga gambling lords, at ang maiipit pag nagkataon ay si Col. Albert Barot, ang hepe ng pulisya ng Malabon.

• • • • • •

Ipinakita lang ni Mandaluyong City Mayor Ben Abalos na may malasakit siya sa kapwa nang itaas niya ang suweldo ng mga tinatawag na job order (JO) employees ng city hall. May kabuuang 1,839 JO employees sa city hall at karamihan sa kanila ay street sweepers o traffic enforcers. Ang suweldo nila ay P265 kada araw o P7,950 kada buwan, na kung tutuusin ay hindi magkasya kapag pamilyado na sila dahil sa sobrang taas ng bilihin dahil sa pandemya at mataas na presyo ng langis. Hindi lang ‘yan, may mga JO pa na pumapasok sa city hall na naka-uniporme kaya dagdag gastusin pa, di ba mga kosa? Mismooooo!

Matapos mabatid ang kalunus-lunos na sitwasyon ng JO employees, kaagad kinausap ni Abalos ang city council at budget officer para taasan ang suweldo ng JO employees at pumasa naman. Kaya simula Setyembre 1, ang suweldo na ng mga JO employees ay P10,000 monthly. Hak hak hak! Ang suweldo pala ng traffic enforcer na sinagasaan sa Mandaluyong City ay P265 lang. Naging kontrobersiyal ang isyu at mukhang natutulog lang ang kaso sa korte. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Dipugaaaaa!

Wala pang dalawang buwan sa puwesto si Abalos subalit ang kapakanan kaagad ng mga empleado ang kanyang inaayos.”I was saddened when I heard that we have job order employees who are still receiving something like P265 a day. They’re not just our street sweepers and traffic enforcers but also the employees reporting here at offices in the city hall,” ani Abalos.

Iginiit pa ni Abalos na karamihan sa trabaho ng mga JO employes ay frontline services. Kahit maliit lang ang suweldo ng mga JO employes karamihan sa kanila ay nag-commute lang para pumasok sa trabaho at nagsusuot pa ng uniporme. Mula sa sunod na buwan, hindi na kailangang mag-uniporme ang mga JO employes at ang perang maisubi nila ay gagamitin na lang na pambili ng pagkain at kagamitan ng pamilya, lalo na sa mga estudyante, ang dagdag pa ni Abalos. Dipugaaaaa! “That’s why I’m thankful to our city council and budget department that we are able to come up with measures to raise the salaries of job order employees of the city,” ani Abalos! Eh di wow! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Mismooooo!

Tinitiyak kasi ng mga kosa ko na hindi lang sa Mandaluyong, kundi sa iba pang lugar sa Metro Manila, naghihikahos din ang kalagayan ng mga empleado. Mismooooo! Hak hak hak! Hala mga Metro mayors tularan n’yo si Abalos. Abangan!

 

BEN ABALOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with