Ibon na may makamandag na lason, matatagpuan sa Papua New Guinea!
MATAGAL nang alam ng mga Melanesian people ng Papua New Guinea na makamandag ang ibon na Hooded Pitohui ngunit sa mga western scientists, noong taong 1990 lamang natuklasan at napag-aralan ang tungkol sa kakaibang ibon na ito.
Thirty two years ago, nagsasaliksik ang ornithologist na si Jack Dumbacher ng mga exotic na ibon sa Papua New Guinea. Isa sa mga nahuli niyang ibon para pag-aralan ay ang Hooded Pitohui. Sa paghuli niya rito, tinuka siya nito sa daliri at agad naman niyang sinipsip ang sugat. Napagtanto niya na hindi pangkaraniwan na ibon ito nang makaramdam siya ng pamamanhid sa kanyang labi at dila.
Nang sumunod na mga araw, upang siguraduhin ang hinala niya na poisonous bird ang Hooded Pitohui, kumuha siya ng balahibo mula sa ibon at inilagay niya ito sa kanyang bibig. Napatunayan niya ang hinala nang manumbalik ang pamamanhid sa kanyang labi at dila.
Ipinadala ni Jack ang ilang sample ng balahibo ng ibon sa National Institutes of Health sa Bethesda Maryland at doon nakita na may Batrachotoxin ang Hooded Pitohui.
Ang Batrachotoxin ay isang neurotoxic steroidal alkaloids na may kakayahan na magbigay pamamanhid at hapdi sa maliit na dosage. Kaya nitong magbi-gay ng paralysis at cardiac arrest sa maramihang dosage.
Sa kasalukuyan, kaunting pag-aaral pa lamang ang nasasagawa tungkol sa mga poiso-nous birds. Bukod sa Hooded Pitohui, ang mga ibon na natuklasang may kamandag ay Ifrita birds, European quail, Spoor-winged goose, Hoopees, North American Ruffed grouse, Bronzewings, at Red warbler.
- Latest