Ang mabangong amoy
MAY amoy na nagdudulot ng positibong epekto sa katawan at kalusugan ng mga tao. Narito ang mga sumusunod:
Amoy ng mansanas
Ayon kay Dr. Alan Hirsch, founder ng Smell and Taste Treatment Research Foundation sa Chicago, ang paborito mong amoy ay makakatulong para mapigilan ang sobrang pagkahilig sa pagkain. Nagsagawa siya ng experiment sa mga matatabang tao. Binigyan niya ang mga ito ng scent ng banana, peppermint at green apple. Tuwing nakakaramdam na type nilang kumain kahit hindi nagugutom, inaamoy na lang nila ang scent ng mga pagkain at presto, nawawala ang “cravings” nila sa pagkain.
Amoy ng orange or lavender
Ang mga researchers mula sa Austria ang nakatuklas na ang amoy ng dalawang nabanggit ay nagdudulot ng positibo at kalmadong damdamin.
Amoy ng rosemary
Kung nais mong maging alerto lagi ang pag-iisip at maging matalas ang memorya, amuyin ang samyo ng rosemary. Ito ay natuklasan naman ng mga researchers ng University of Northumbria sa United Kingdom. Mainam na magtanim ng rosemary at sa tuwing nagre-review para sa exam ay kukuha ka lang ng kapirasong rosemary sa iyong tanim para fresh na fresh mo itong aamuyin.
Amoy ng lavender or peppermint
Nakakatanggal ng sakit ng ulo at pisikal na sakit pagkatapos operahan ang amoy ng peppermint at lavender. Natuklasan ito ng mga doctor mula sa New York University Medical Center. Ilagay lang sa panyo ang scent at ito ang amuy-amuyin.
(Itutuloy)
- Latest