100 amazing secrets (Part 7)
61. Ang paste mula sa pinaghalong flour, vinegar and salt ay mainam na panlinis ng brass, copper, or alloy. Ipahid ang mixture sa gamit na nililinis at hayaang nakababad ng isang oras. Banlawan at kuskusin ng kamiseta.
62. Magiging mabilis ang paggupit sa linoleum kung ibibilad muna ito sa araw ng ilang oras.
63. Paano tanggalin ang bubble gum sa Carpet: Patigasin muna ito sa pamamagitan ng pagkuskos ng yelo. Unti-unting hilahin ang nakadikit na bubble gum.
64. Gumamit ng potato peeler sa chocolate kung kailangan ng chocolate shavings sa recipe.
65. Gusto mo ng bilog na sunny side up? Magbilog ng aluminum foil. Magmumukha itong ring. Pahiran ng oil or butter ang loob ng ring. Ipatong sa frying pan na may cooking oil. Sa loob ng ring lutuin ang itlog.
66. Nakaka-fresh ng hininga kung kakain ng mansanas tuwing umaga.
67. Kung pinaghihiwalay ang egg white at yolk, mabilis matatanggal ang sumamang eggwhite sa yolk kung gagamit ng kamisetang binasa ng malamig na tubig. Idampi ang kamiseta sa yolk at agad didikit ang white nito.
68. Peanut butter ang ipantanggal sa bubble gum na dumikit sa buhok.
69. Kapag maglilipat-bahay, mainam na ibalot ang mga babasaging baso sa medyas.
70. Nakakabalanse ng body ph level ang pag-inom ng maligamgam na lemon juice tuwing umaga.
- Latest