^

Punto Mo

High school sa U.S., iniimbestigahan matapos matuklasan na mahigit sa 100 nag-graduate dito ay nagka-brain tumor!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NOONG 1999, na-diagnose si Al Lupiano, taga-Woodbridge, New Jersey, na mayroon siyang acoustic neuroma, isang klase ng brain tumor. Naging matagumpay ang treatment niya laban dito ngunit nakakaranas pa rin siya ng side effects hanggang sa ngayon tulad ng bahagyang pag­kabingi, fatigue at pagkahilo.

Noong 2021, na-diagnose rin ng acoustic neuroma ang kanyang asawa at kanyang kapatid ngunit sa kasamaang palad, na­ging cancerous ang kanilang brain tumor hindi sila nakaligtas sa sakit na ito.

Maraming nagtataka sa kanilang pamilya kung coincidence lang ba ang pagkakaroon nilang tatlo ng brain tumor. Dahil dito, nag-imbestiga si Lupiano. naghanap siya sa kanilang lugar kung sino pa ang mayroong brain tumor.

Sa kanyang pagsasaliksik, nakakilala siya ng 15 katao sa kanilang lugar na nagkaroon ng brain tumor at lahat sila ay nagtapos sa Colonia High School.

Noong Marso 7, 2022, nag-post sa Facebook si Lupiano at naghanap pa siya ng ibang nag-aral sa Colonia High School na nagkaroon ng brain tumor. Dahil sa FB post niya na ito, nakahanap pa siya ng mahigit 100 katao na nag-aral o nagtrabaho sa Colonia High School na nagkaroon ng brain tumor.

Dahil dito, may hinala na mataas ang nuclear radiation sa Colonia High School dahil noong 90s ay may na-detect na radioactive rock na malapit sa campus.

Sa kasalukuyan, humingi ng tulong ang mga awtoridad ng Woodbridge sa isang environmental engineering firm para suriin ang campus ng Colonia High School kung may nuclear radiation sa lugar na ito.

BRAIN TUMOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with