^

Punto Mo

Lalaki sa U.S., pinarangalan ng guinness makaraang panoorin ng 292 beses ang ‘Spider-Man: No Way Home’

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Marvel Cinematic Universe fan sa Florida, U.S.A. ang nakatanggap ng Guinness World Record title na “Most cinema productions attended of the same film” matapos niyang panoorin sa sinehan ang pelikulang “Spider-Man: No Way Home” ng 292 na beses!

Hindi na bago para kay Ramiro Alanis ang nasabing Guinness world record title. Noong 2019, natanggap na niya ito dahil pinanood niya ng 191 beses ang pelikulang “Avengers: Endgame”. Nawala sa kamay niya ang title noong 2021 dahil may isang lalaki sa Germany ang nakasilat nito sa kanya.

Noong isang buwan, kinumpirma ng Guinness na nabawi ni Alanis ang titulo matapos itong umattend 292 screenings ng “Spider-Man: No Way Home” mula ­Disyembre 16, 2021 hanggang Marso 15, 2022.

Hindi naging madali para kay Alanis na mabawi ang titulo dahil bukod sa gumastos siya ng $3,400 para sa mga movie ticket, may rules ang Guinness na kailangan niyang sundin tulad ng pinagbabawal ang paggamit ng cell phone at pumunta sa comfort room tuwing tumatakbo na ang pelikula.

Walang anumang nasunod ni Alanis ang lahat ng rules ng Guinness.

vuukle comment

SPIDERMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with