^

Punto Mo

100 payo mula sa centenarians (Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG Huffington Post, isang American online news ay nag-interbyu ng ilang centenarians (100 years old o higit pa)  at ito ang nakalap nilang mga payo  upang magkaroon ng “long, happy and healthy life”:

17. Gawin lang ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng kasiyahan. Maikli lamang ang buhay para pilitin mo ang iyong sarili na gawin ang bagay na ayaw mong gawin.

18. Manalig ka na lalabas ang katotohanan sa tamang panahon. Ang amoy, mabango man o mabaho, ay lumalabas nang kusa kahit hindi mo hanapin.

19. Piliing mabuti ang magiging partner  na makakatuwang mo sa pagpapalaki ng inyong magiging anak.

20. Mag-alaga ng hayop. Darating ang panahon na mag-iisa na lang tayo.

21. Magkaroon ng espiritwal na paniniwala.

22. Matutong iangkop ang sarili sa lahat ng klase ng pagbabago.

23. Sa panahon ng pagluluksa, bigyan ang sarili nang sapat na oras na magdalamhati.

24. Ipagpatuloy lang ang pagsisikap at huwag susuko kahit ano pa ang mangyari.

25. Maging aktibo at huwag idadahilan ang katandaan.

26. Uminom ng tubig galing sa gripo. Bukod sa mahal ang tubig sa bote, wala na akong makitang pagkakaiba.

27. Huwag magmukmok at hayaang mamatay na lang basta.

28. Hindi kailangang maging masaya araw-araw. Basta’t laging maging kuntento kung anong mayroon ka.

29. Love people

30. Sikaping makatapos sa pag-aaral. Iyon lang ang isang bagay na hindi maaagaw sa atin.

31. Think positive

32. Sa umaga, lalabas lang ako sa aking kuwarto kung natapos na ang aking ehersisyo.

(Itutuloy)

vuukle comment

CENTENARIANS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with