^

Punto Mo

Vaping, panlaban nga ba sa yosi?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon Bernardo - Pang-masa

Matagal nang nauuso sa bansa ang vape products na ipinangangalandakang mas mainam kaysa sa regular na sigarilyo. Vaping ang remedyo ng ilang mga taong gustong huminto sa pagyoyosi. Vaping ang panlaban nila sa pananabik sa paninigarilyo.

Pero tila marami ring isyu, debate at argumento sa vaping na sinasabing nakakasama rin sa kalusugan. Mapupuna nga lamang na, kahit nakakasama, hindi naman ipinagbabawal ang vaping. Sa katunayan, dumarami ang mga malalaki at tindahan ng mga produktong vape na matatagpuan sa maraming lugar maging sa mga malalaking shopping mall. Dumarami rin ang mga kabataang nalululong sa vaping.

Noong nakaraang linggo, nagbabala ang Department of Health sa masamang epekto ng vape products makaraang lumabas ang kaso ng isang 22 anyos na Pinoy na nagkasakit sa puso at baga hanggang mamatay dahil sa araw-araw na paggamit ng vape. Isinadokumento ito ni Dr. Margarita Isabel C. Fernandez na nalathala sa journal na Respiratory Case Reports.

Ayon sa Department of Health, hindi ligtas na alternatibo sa paninigarilyo ang vape dahil sumisira ito sa katawan ng tao. Pumipinsala ito sa puso at baga at lumalaki ang tsansa sa atake sa puso.

“Hindi ligtas na alternatibo sa paninigarilyo ang vaping. Usok pa rin yan. Magsilbi sanang paalala ang kasong ito sa peligro nito sa kalusugan. Hinihikayat namin ang lahat lalo na ang mga kabataan na huwag maniwala sa mga maling patalastas na mas ligtas na pamalit sa sigarilyo ang vaping,” sabi ni DOH Secretary Teodoro J. Herbosa.

Ibinahagi nga ni Michael Blaha, M.D., M.P.H., director of clinical research ng Johns Hopkins Ciccarone Center for the Prevention of Heart Disease na, kahit hindi masyadong nakakasama ang vaping kumpara sa paninigarilyo, hindi pa rin ito ligtas. Lumabas sa pananaliksik ng Johns Hopkins University na nalathala noong Oktubre 2021 na libu-libong chemical ingredients ang tinataglay ng vape products. Kabilang ang caffeine, tatlong kemikal na hindi unang nakita sa e-cigarettes, isang pesticide at dalawang flavoring na kunektado sa possible toxic effects at respiratory irritation.

Bukod dito, ayon sa American Heart Association, tinataglay din ng vape ang diacetyl (kemikal na kunektado sa mga sakit sa baga), mga kemikal na nagdudulot ng kanser, volatile organic compounds at heavy metals tulad ng nickel, tin at lead.

Ayon pa kay Blaha, isa sa pangunahing laman ng regular na sigarilyo at vape ang nicotine na nagpapataas ng alta presyon, adrenaline, rate ng puso at tsansang atakihin sa puso. Merong lumalabas na mga datos na nagdudulot ito ng mga sakit sa baga, hika at sa puso. Tulad sa ordinaryong sigarilyo, nakakaadik din ang vape dahil sa nicotine.

Merong mga patalastas na nagsasabing nakakatulong ang vape sa pagtigil sa paninigarilyo. Pero hindi ito inaaprubahan ng U.S. Food and Drug Administration bilang kagamitan para makahinto ang isang tao sa paninigarilyo. Lumalabas sa isang pag-aaral na maraming tao na gumagamit ng vape para matigil sila sa paninigarilyo ang nauuwi lang sa patuloy na paghitit ng tradisyunal at elektronikong sigarilyo.

Sinasabi naman sa Healthline na peligroso pa rin sa kalusugan ang vape kahit wala itong nicotine. Merong lumabas na pag-aaral na ang nicotine-free vaping ay nakakasira sa respiratory system, pumapatay ng selula, nagdudulot ng inflammation at pumipinsala sa blood vessels.

-oooooo-

Email: [email protected]

VAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with