^

Punto Mo

Lalaki na nakatulog sa massage chair sa mall, nagising na nakasara na ang mall at na-lock na siya sa loob!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Japan ang nakulong sa isang mall dahil nakatulog siya habang tinetesting ang isang massage chair!

Ayon sa report, masyadong na-relax at nahimbing ang tulog ng hindi pina­ngalanang lalaki matapos nitong sinubukan ang naka-display na massage chair sa isang electronics store. Nagising na lamang ang lalaki na madilim na ang paligid at siya na lamang ang tao sa mall.

Sa tulong ng kanyang Twitter account na @AP1xDC5xCL7, humingi siya ng tulong sa kanyang mga Twitter followers. Bukod sa paghingi ng tulong, ipinost niya ang isang litrato na nagpapakita na sobrang dilim sa section ng mall kung saan siya nakatulog.

Nang rumesponde ang mga pulis kasama ang manager ng electronic store, agad nabuksan ang naka-lock na mall. Hindi agad pinalabas ang lalaki dahil sandaling inimbestigahan pa kung hindi ba niya sinadyang magpaiwan sa mall para magnakaw. Nang napatunayan na wala siyang ninakaw, hu­mingi ng paumanhin sa kanya ang manager at pinauwi na siya.

vuukle comment

MALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with